Lovi Poe says she is open to shooting kissing scenes with a woman, if needed



First time na makagawa ni Lovi Poe ng isang docu-drama. Ito ay ang Titser na sa kasalukuyan ay napapanood sa GMA News TV 11.

“Mahirap. Pero I am enjoying the experience,” sabi ng Kapuso actress nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, July 14.

Sa isang liblib na lugar sa Boso-Boso raw sila madalas mag-taping. At talagang totohanan umano niyang nararanasan ‘yong klase ng pamumuhay ng mga tao sa nasabing lugar.

“’Yong paglalakad sa mga madamo at maputik na daanan. Tumatawid kami ng ilog. Minsan maulan pa.

“So mahirap nga ‘yong daan.

“Pero enjoy naman kami. It’s something that I’m really so proud that I’m working on this.

“Because… dahil nga para sa mga teachers ito.”

Deglamourized ang role ni Lovi bilang isang galing sa hirap na nangarap at nagpursiging maging isang teacher. At kung ano ‘yong mga struggles na kailangang pagdaanan bago ganap itong naging guro.

“Lagi akong madungis ang hitsura. To make it more natural.

“Gusto naman natin, natural na… hindi napa-plantsa ‘yong hair ko!” sabay tawang biro pa niya.

“Di ba? Ni walang plantsa ‘yong hair...buhaghag siya.

"Of course, napi-pressure kami habang na nagti-taping nito. Kasi ‘yong dalawang naunang docu-drama ng GMA News TV, maganda ang review at feedback ng mga nakapanood.

“Hopefully magustuhan din ng mga tao itong Titser.

“And then, the most important thing naman is that… ginagawa namin ito para sa mga teachers.

“At saka… to open our eyes sa mga ganitong bagay na nangyayari.”

WORKING ON AKIN PA RIN ANG BUKAS. Naghahanda na rin daw si Lovi para sa pagsisimula nila ng taping para naman sa Akin Pa Rin Ang Bukas, ang bagong seryeng pagtatambalan nila ulit ni Rocco Nacino kasama si Cesar Montano sa GMA-7.

Makakasama rin nila dito ang veteran actress na si Helen Gamboa, na kamakailan lang ay pumirma ng kontrata sa Kapuso Network.

(Read: Helen Gamboa signs contract with GMA Network)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ll start taping siguro next week,” ani Lovi.

Ikatlong pagtatambal na nila ito ni Rocco. Parang sila nga talaga ang bagay na bilang magkapareha?

“Oo nga, e!” sabay ngiti ni Lovi.

“Again, I’m very excited kasi nga… once again magkakasama kami.

“And… lagi naman kaming magkasundo ni Rocco. Kasi nga ‘yong personalities namin, nagdya-jive talaga.”

Pareho silang single. Magka-match ang personalidad nila. Pero hindi sila humahantong sa puntong nagkakagustuhan o nadi-develop ang kanilang friendship into something deeper. Kaya ang tanong ng marami… bakit nga ba?

“Kasi ayaw… now that we’re working together, siyempre gusto ko parang… unahin muna ‘yong trabaho.

“Mas healthy kasi kapag gano’n,” sabay ngiti ulit niya.

Wala muna raw talaga sa lovelife ang interes niya sa ngayon. Ito ang laging binibigyang-diin ni Lovi sa mga interviews.

Pero kamakailan, napabalitang nakita raw silang magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson.

“A… talaga?” bahagyang natawang tanong ni Lovi.

“I heard din nga about that, e.

“Pero nasa Boso-Boso ako lagi at nagti-taping ng Titser!” tawa ulit niya.

Look alike lang kaya niya ‘yong nakitang kasama ni Ronald sa Amanpulo? “Hindi ko alam.”

Hindi naman itinanggi ni Lovi na may regular communication pa rin siya ni Ronald.

“Magkaibigan pa rin kaming dalawa,” matipid niyang pahayag.

Hindi ba nila napag-usapan ‘yong tungkol sa balitang nakita silang magkasama nga sa Amanpulo?

“No. Deadma lang ako. Hindi naman totoo. Kasi nga, lagi akong nasa Boso-Boso at nagti-taping.”

Ikinaiinis ba niya na hindi pa rin nabubura ang hinalang baka sila pa rin ng dating Kongresista?

“Hindi naman.

“He’ll always be a part of me. So it’s nothing.

“Hindi ko kinakainisan na nali-link pa rin ako sa kanya. It’s something that I’ll always be thankful for.”

Pero sa ngayon, wala raw ibang gustong pagtuunan ng pansin si Lovi kundi trabaho lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong panahong makipag-date. Mahirap magsingit ng time for that.

“Nasa Boso-Boso ako lagi. Puro trabaho.”

Pero hindi ba malungkot din na walang lovelife? Walang inspirasyon?

“Puwede ka namang kumuha ng inspirasyon sa ibang mga bagay. Katulad ng nangyayari sa akin ngayon.

“Parang hindi ako makapaniwala sa magandang takbo ng career ko ngayon. Sa magagandang opportunities at projects na nakukuha ko.

“Kaya do’n pa lang, parang nai-inspire na ako.

“Everytime na gumigising ako sa umaga, parang mas excited akong magtrabaho.”

Pero may mga gustong manligaw at nagpaparamdam sa kanya ngayon?

“Wala, e. Hindi talaga ako ligawin!” tawa ulit niya.


WORKING ON LIHIS. Lately, pinag-uusapan din ang tungkol sa mga daring scenes na ginawa niya sa indie film na Lihis.

“Well, kasi kailangan siya sa istorya. Pero hindi lang naman iyon ang aabangan sa pelikula.”

Parang My Husband’s Lover din daw ang tema ng istorya nito na may dalawang lalakeng lihim na magkarelasyon at ka-triangle ng isang babae. Si Lovi ang gumanap na asawa ni Joem Bascon ngunit may nakaraan ito sa kapwa rebelde na si Jake Cuenca.

“Parang may something nga na gano’n,” ani Lovi.

Ano kaya kung in real life, mangyari na makatagpo siya ng isang lalaki na kung kailan in love na siya at sila na, saka niya matutuklasan na pusong babae pala ito?

“Naku! I don’t know. Mahirap magsalita,” tawa ulit niya. “Hindi ko talaga masasabi.”

Mahirap na nga bang kumilatis sa ngayon kung sino ‘yong hundred percent lalake talaga at sino ‘yong bisexual?

“I don’t know, e.

“Sa akin lang, ano… it’s nice na we’re very open-minded na sa mga ganitong bagay.

“And we get to show these things that really happen in real life. So it’s nice na open minded tayong lahat.”

Okay ba sa kanya na mag-portray ng role ng isang lesbian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman.”

What if may kissing scene sa kapwa babae?

“Kapag kailangan talaga, okay lang. And if it’s an acting piece. Pero kapag wala lang, hindi na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN