Doris Bigornia provides public service through ABS-CBN's Mutya ng Masa



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Serbisyo publikong ikasasaya ng masang Pilipino ang hatid ng batikang mamamahayag na si Doris Bigornia sa pinakabagong magazine program na Mutya ng Masa, simula ngayong Martes (July 16) sa panghapong Current Affairs block ng ABS-CBN.

"Ibibida sa programa ang simpleng Pinoy at ang kani-kanilang interes, suliranin, mga matitinding pangangailangan, at simpleng kaligayahan, at si Doris bilang ang kanilang bagong katuwang sa buhay, kabarkada, at maging ka-chismisan.

"Bawat linggo, tutungo si Doris sa isang komunidad at doo’y kikilalanin ang mga tao o pamilyang bibigyan niya ng tulong o natatanging bagay na makapagpapaligaya sa kanila na tiyak na magbibigay sa kanila ng pangmatagalang ginhawa.

"Para sa unang episode ng programa, tutungo si Doris sa iba’t ibang kalye ng Sta. Mesa, Manila, kabilang na ang sikat na lugawan ni Tita Bebang at ang Polytechnic University of the Philippines.

"Makikilala niya rito sina Princess, isang estudyante ng PUP na nahihirapang pagkasyahin ang P100 baon niya kada araw para sa pamasahe, pagkain, at projects; at ang 16 taong gulang na si Jason, isang trolley boy na maghapong initutulak ang sasakyang pang-riles kapalit ng halos P300 kada araw para sa pamilya.

"Ano kaya ang mga simpleng bagay na makakapagpasaya para sa kanila o sa kanilang mga mahal sa buhay? Paano ipipinta ng Mutya ng Masa na si Doris ang ngiti sa kanilang mga labi?

"Huwag palampasin ang Mutya ng Masa kasama si Doris Bigornia ngayong Martes (July 16), 4:15 PM sa ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN