Andrea Brillantes and Bugoy Cariño reunite in Annaliza

Andrea Brillantes and Bugoy Cariño first worked with each other in the now defunct teleserye E-Boy where Bugoy played the lead character. This time, Andrea is the lead star in Annaliza where Bugoy plays a supporting role.



ANDREA BRILLANTES AT BUGOY CARINO, MULING MAGSASAMA SA ANNALIZA. Una na silang nagsama sa teleseryeng E-Boy at ngayon muling magkakatrabaho sina Andrea Brillantes at Bugoy CariƱo sa pagpasok ng karakter ni Bugoy bilang si Pating sa primetime family drama ng ABS-CBN na Annaliza.

Isang bagong kaibigan ang makikilala at tutulong kay Annaliza sa katauhan ng batang palaboy na si Pating dahil ito ang magsisilbing tagapagtanggol niya sa mga nambu-bully sa kanya sa paaralan. Naging mapait man ang unang pagtatagpo ng dalawa nang agawin ni Pating ang gamit ni Annaliza sa isang madalim na kalye ay nagawan naman ng paraan ng dalawang bata na magbati at magkasundo.

Paano hahamunin ng tadhana ang kanilang pagkakaibigan? Sapat na nga ba ang kakayahan ni Pating upang proteksyunan at pawiin ang lungkot ni Annaliza?

Mapapanood ang Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN