Carlo Aquino and Lester Llansang portray maltreated fishermen in MMK

Carlo Aquino and Lester Llansang's characters in Maalaala Mo Kaya are maltreated and abused in the ships where they work as fishermen.



Bibida ang dating best child actors na sina Carlo Aquino at Lester Llansang sa heavy family drama episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Sabado (July 20). Si Carlo ay nanalo noong 1999 bilang child performer of the year para sa pelikulang Lea's Story samantalang si Lester ay nanalo rin ng naturang parangal para sa 2000 movie na Ang Saranggola.

Gaganap sila bilang ang kambal na sina Fred (Carlo) at Freddie (Lester) na sa kasawiang palad ay kapwa dumanas ng kalupitan at pag-aabuso sa kanilang trabaho bilang mga mangingisda sa ibang bansa. Kasama nina Carlo at Lester sa kanilang MMK episode sina Bembol Roco, Ma. Isabel Lopez, Neri Naig, Bryan Homecillo, Ruben Gonzaga, Lowell Conales at DJ Durano. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Arah Jell Badayos, at direksyon ni Nuel Naval.

Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya tuwing Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN