Philip Abadicio talks about his new lifestyle show on Aksyon TV


Pangalawang season na ng It’s More Fun With Philip na lifestyle show ni Philip Abadicio.

“It’s a lifestyle show pero ang ginagawa namin para huwag masyadong lifestyle na masyadong mataas na hindi naiintindihan ng marami," paliwanag ni Philip. "Di ba, normally ganoon, tapos pag lifestyle normally nag-i-English sila so what we want to do, di ba, is for everybody to understand and appreciate kung ano yung mga bagong pagkain, kung saan mag-shopping na bago, ano yung mga bagong uso di ba, na hindi mahirap abutin, na kaya ng lahat.”

It’s More Fun with Philip: Ang Lifestyle Show ng Bayan! will air its initial telecast on July 28, 2013, Sunday, 9:30 pm, on TV5’s news channel, Aksyon TV (with a replay every Tuesday, 9:30 pm and Saturday, 5 pm).

It’s More Fun with Philip: Ang Lifestyle Show ng Bayan! is directed by Mike Canlas and written by Lucci Coral. Aksyon TV is on Channel 41 on free TV, Channel 78 on Destiny Cable, Channel 59 on Sky Cable, and Channel 1 on Cignal.

May segment na tungkol sa showbiz ang show ni Philip.

“Meron. Normally nagge-guest kami kunyari, sa unang season, first co-host si Hayden Kho, Jr.

“Tapos meron kaming tinatawag na Kuwentuhang Kumot, as in talagang pumapasok kami sa ilalim ng kumot, parang mga bata na secret-secret.

“Minsan nasa kama, minsan nasa sofa lang, basta nasa ilalim kami ng kumot nagkukuwentuhan.”

Ilan sa mga naging guests ni Philip ay sina John James Uy, Shalala, Kevin Balot, Sebastian Castro at Callum David.

Kanino siya pinakanag-enjoy na kakuwentuhan sa ilalim ng kumot?

Si John James Uy. He was very revealing, yung mga, ‘What do you wear when you sleep?’ ‘Nothing’, ganyan. ‘So people see you when you’re sleeping?’ ‘I guess my maid.’ ‘What’s the name of your cat?’ ‘Pussy’, mga ganyan.

“He was very candid, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Hayden, tinanong ko, ‘What was your most embarassing moment?’

“Sabi ni Hayden, ‘Do you need to ask that?’

“Tinanong ko pa siya noon kung nagkabalikan na sila ni Dra. Vicki [Belo], sabi niya hindi pa pero hindi na daw matatanggal yung kung anong merong naging sila dahil masyado na raw silang close.”

Wala siyang kaparehong show sa kahit na anong TV station.

“Parang wala naman, kasi parang lifestyle kami na nilalagyan namin ng entertainment, so hindi namin… normally, di ba nakasanayan natin pag lifestyle parang pataasan, di ba?

“Na lahat mga mahal, susyalin, di ba?”

Ano ang trabaho ni Philip bago siya maging lifestyle show host?

“Matagal akong lifestyle PR. Tapos in-offer-an ako ng Destiny Cable, yung Global News Network na gumawa ng lifestyle show.

“Dahil kilala ko si Rey Espinosa at that time, sabi niya, ‘Ano’ng ginagawa mo diyan? Lumipat ka kaya dito.’

“So akala ko ang pinag-uusapan namin gagawa kami ng show, na parang yung kay David Celdran na lifestyle, yung Executive Class sa ANC, yung ganun, tapos ilalagay nila dun sa cable channel.

“Then one time naupo yung mga taga-Aksyon TV, ‘Hindi, dito ka na lang, ibahin natin ng konti.’

“Iyon na.

“It was good kasi it took me out of my comfort zone din, na parang mas gusto ko pa itong gawin, parang mas totoo, mas masaya, mas fun. Parang naglalaro lang.”

Nagpapakita rin daw ang show niya ng mga iba-ibang lugar tulad ng Cebu at kung saan-saan pa.

“Nagpunta kami sa Cebu, iyon ang pinakamalayo pa naming napupuntahan so far,” kuwento pa ni Philip.

Dream guest ni Philip si…

“That means I’m going to reveal my crushes,” sabay-tawa niya.

“Okay let’s choose one from each station para safe,” at muli siyang tumawa.

“Si Enrique Gil. I saw him one time he guested in Kris TV parang meron siyang style na sarili niya, marunong siyang pumili ng masarap na mga bagay-bagay, you know what I mean? Hindi yung parang lahat dinikta ng stylist, yung ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang itatanong niya kay Enrique?

“’Kasing-puti ba ng balat mo ang mga parte ng katawan mo na hindi nakikita?’”

"Sa GMA, si Mikael Daez. My choices have something to do yung sa lifestyle, yung parang alam nila yung, marunong silang pumili ng masarap na pagkain, and that’s Mikael.”

Nabanggit nga namin kay Philip na may food segment si Mikael sa Saksi, ang "Midnight Snack."

“Meron siyang sariling style, paggawa ng mga bagay-bagay. “Nakikita ko yung mga pictures niya sa Twitter tsaka sa Instagram, di ba?

“Ang itatanong ko sa kanya, ‘Alam ko mahilig kang mangalikot, ano pang mga bagay-bagay ang hindi mo pa nakakalikot?

Sino naman sa TV5 stars ang gusto niya i-guest?

“Sa TV5, si… Daniel Matsunaga. Because he’s beautiful, di ba, he’s just beautiful in all angles and everything. Ang itatanong ko sa kanya, ‘Kinakailangan ba na lagi kang nali-link sa magagandang babae e puwede ka namang ma-link sa mga magaganda at guwapong mga bading?’

“Iyon ang tatanungin ko kay Daniel,” sabay-tawa muli ni Philip.

Sinong female celebrity ang gusto niya i-guest?

“Carla Abellana,” ang mabilis na sagot ni Philip.

“Because maybe I see her every night. I watch My Husband’s Lover and I was thinking nga kung may crush akong babae… actually dati sinasabi ko ang crush kong babae si Isabelle Daza, di ba, she’s no frills, she does her job, hindi siya nagpapasusyal-susyal or whatever. I like her.

“Carla also strikes me like that. And ang ganda niyang magbihis, bawat ano niya, di ba? Wala siyang anggulo.”

Gabi-gabi raw pinapanood ni Philip ang My Husband’s Lover, ang gay-themed ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Carla, Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

“I think it’s timely, I think you know, the ruling of the US Supreme Court came out, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasabay during the time that My Husband’s Lover is trending everyday every night.

“So the DOMA [Defense of Marriage Act] that says that it’s unconstitutional na sabihin natin na marriage is only for a man and a woman.

“And then now in the Philippines there is acceptance, di ba, of two men, on primetime in a relationship.

“Gusto ko siya kasi merong mga pangyayari sa buhay ko, na nakikita ko dun, na you know, I can identify with it.”

Matalik na kaibigan ni Philip si Paolo Bediones.

“Paolo was my partner in a PR agency before, business partner.

“Then it was called Communicate PR, now I put my initial it became RPA Communicate.”

Magkaibigan pa rin ba sila ni Paolo?

“Of course, I see him in the news. We’re friends.

Bakit nawala ang partnership nila?

“That was the time rin that he started to become really busy with GMA so parang he told me to continue it. To continue the agency.

“Kasi he was with GamePlan and then he brought me in, he introduced me to Cheche Lazaro that’s why I became the PR of Gameplan, not just GamePlan, but also of Probe, of all the shows.

“And then he started to have more shows and that’s the time na parang hindi na niya mapagtututunan ng pansin yung PR agency so he said continue it.

“So I did so from partnership I incorporated the agency and made it into a family corporation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN