Venus Raj reveals she was estranged from her siblings because of ex-boyfriend Andrei Felix

Shamcey Supsup (left) and Venus Raj (right) open up about their love life.


Magsasalita tungkol sa buhay-pag-ibig sina Venus Raj at Shamcey Supsup ngayong Huwebes (July 25) sa Tapatan Ni Tunying. Ito ang afternoon program ni Anthony “Tunying” Taberna na bahagi ng ABS-CBN Kapamilya Gold.

Pareho mang itinuturing na iconic beauty queens ng makabagong henerasyon sina Venus at Shamcey dahil sa magkasunod nilang pagkakasungkit ng runner up titles sa pinaka-prestihiyosong Miss Universe, naging magkaiba naman ang takbo ng buhay ng dalawa, lalo na sa kani-kanilang love life.


Engaged na ang Miss Universe 2011 third runner up na si Shamcey sa kanyang nobyong Filipino-Chinese ng dalawang taon na si Lloyd Lee. “Naghintay ako ng tamang panahon at pumasok lamang ako sa relasyon dahil alam kong handa na akong mag-settle,” sabi ni Shamcey.


Naging labis pa ang kaligayahan ng mag-nobyo dahil buong-pusong tinanggap ng konserbatibong pamilya ni Lloyd si Shamcey kahit hindi siya Chinese.


(Read: Shamcey Supsup and Lloyd Lee hold Chinese engagement party on Father's Day)


Samantala, kaiba kay Shamcey, biglang nagbago naman ang masayang buhay-pag-ibig ni Venus nang putulin ng Miss Universe fourth runner up ang isang taon niyang relasyon sa TV host na si Andrei Felix noong Mayo. Nagkaroon ng mga haka-haka noon na tutol ang pamilya ni Venus sa kanilang relasyon kaya sila naghiwalay.

“Umabot kami sa point na nag-away-away kaming magkakapatid. Pinapapili ako ng mga kapatid ko, sila o siya. Mas pinili ko siya. Hindi kami nag-usap ng mga kapatid ko for a few months. Na-miss ko ang pamilya ko,” pagkukumpirma ni Venus, ayon sa isang release na mula sa ABS-CBN corporate communications department.

Ipapasilip din ni Shamcey sa mga manonood ang paghahanda sa nalalapit niyang kasal, habang bubuksan naman ni Venus ang pinto ng kanyang condo unit at ipinatayong bahay sa Bicol. Sasagutin din ni Venus ang mga kontrobersya tungkol sa kanyang career partikular na ang pagkawala niya sa Umagang Kay Ganda at ASAP bilang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN