Solenn Heussaff is cast as the girlfriend of Cesar Montano in Akin Pa Rin Ang Bukas



Last July 21, tumanggap ng Platinum Award si Solenn Heusaff para sa kanyang self-titled debut album. Naganap ang nasabing awarding sa Sunday All Stars.

Siyempre pa, masayang-masaya half-Pinay, half-French ainger-actress matapos tanggapin ang nabanggit na recognition. Karagdagang inspirasyon daw ito for her.

“May bago akong album,” masiglang pagbabalita ni Solenn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dressing sa second floor ng new building ng GMA Network Center.

“Lalabas na ito this August. Ang title nito… SOS. Iyon kasi ang nickname ko.

“So ginawa naming theme ng second album… Sinner Or Saint. Para SOS din.

“Happy naman ako.”

Feeling ba niya, made na siya as a recording artist dahil nag-Platinum ang kanyang first album?

“Uhm… ako, I go with the flow lang. Kung anuman ang dumating, happy na ako,” sabay ngiti niya.

‘Yong bagong lalabas niyang album, paano naman maiiba sa nauna?

“Mas maraming original songs. Kasi ‘yong first ko, dalawang original songs lang.

“This time, sa second album ko, merong eight original songs. Tapos may four na cover songs.

“And then… mas dance, mas upbeat ‘yong mga songs as compared sa first na parang pang-road trip lang.”

Kasunod ng paglabas ng kanyang second album, isang concert din daw niya ang pinaplano na gagawin sa Music Museum.

“Pero wala pang sure na date. Pina-finalize pa kasi ‘yong tungkol dito. Pati ‘yong concept at magiging guest artists.”


AKIN PA RIN ANG BUKAS. Kasama si Solenn sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas. Pangunahing tampok dito sina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Cesar Montano.

Isang doctor na girlfriend ni Cesar ang character na gagampanan ni Solenn. Hinihintay lang daw niya ang script para lubos niyang mapag-aralan ang kanyang role na ito.

“Dream ko na maka-portray ng role as a doctor. Kaya happy ako na ito ang role ko sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

“So kailangan kong mag-prepare din for it. Kailangan siyempre, ma-dissect mo ‘yong character mo.

“Kailangan mong malaman lahat kung ano ang mangyayari sa character mo. Kung paano mo ito ipu-portray.

“Kaya I need to read the script at mapag-aralan nang husto kung paano ang acting ko,” sabi pa ni Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN