John “Sweet” Lapus on the pioneering format of Talentadong Pinoy: “Kaya nagkaroon ng mga iba’t ibang talent shows dahil yun sa success ng Talentadong Pinoy.”

Ayon kay John “Sweet” Lapus, si Ryan Agoncillo ang masasabing nag-angat sa kasikatan ng Talentadong Pinoy. Sabi ni Sweet: “Marami ang makaka-miss kay Ryan dahil siya na ang naging mukha ng Talentadong Pinoy." Sweet will have an upcoming show on ABS-CBN titled Mira Bella and a live comedy musical show titled Beauty & The Sweet with BB Gandanghari.


Nagulat at nalungkot si John “Sweet” Lapus nang malaman niyang final season na ng Talentadong Pinoy.

Hanggang August 2013 na lang ang award-winning reality-talent show ng TV5.

Aksidenteng nakita at nagkuwento si Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Gerry’s Grill sa Tomas Morato, Quezon City last July 23.

Kuwento ni Sweet, “Magkakaroon pa naman ng grand finals, pero after nga noon, babu [goodbye] na ang show.”

PIONEER TALENT SEARCH SHOW. Dagdag-lungkot ang ramdam ni Sweet dahil since 2008, ang Talentadong Pinoy ay naging flagship program ng TV5.

Bukod sa maganda ang ratings nito, marami pa itong natulungan, mapa-winner man o mga naging contestants ng naturang show.

Ang Talentadong Pinoy ang naging dahilan kung bakit biglang nauso ang mga talent shows sa noontime programming.

Pagmamalaki ni Sweet, “Kaya nga nagkaroon ng mga shows tulad ng It’s Showtime at ‘yung Dis Is It, di ba?

“Aminin na natin na kaya nagkaroon ng mga iba’t ibang talent shows dahil yun sa success ng Talentadong Pinoy.

“Kaya nakaka-sad lang isipin na tatapusin nila ang isang show na maraming nagawa for so many people.

“Na may mga tinatagong kakaibang talent, na siyang nagiging source ng kanilang kabuhayan ngayon.

“Nagkaroon pa nga ng Talentadong Pinoy Worldwide para sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa na gustong ipakita ang kanilang bonggang talento.”

JUDGES. Noong 2009 naging bahagi ng Talentadong Pinoy si Sweet bilang isa sa mga guest judges.

Enjoy si Sweet tuwing uupo siya bilang judge ng Talentadong Pinoy dahil pinagmamalaki niya ang kakaibang pagpapalabas ng mga Pinoy sa show.

Bukod pa kay Sweet, naging bahagi rin ng ng Talentadong Pinoy ay sina Audie Gemora, Eula Valdes, Gladys Guevarra, Tuesday Vargas, Amy Perez, Jose Javier Reyes, Lucy Torres-Gomez, Dawn Zulueta, Alessandra de Rossi, Mr. Fu, Shalala at Ruffa Gutierrez.

Naging guest judges din sila Nora Aunor, Charice at Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Talentadong Pinoy nga nauso ang salitang ‘buwis-buhay’ dahil nakakaloka ‘yung mga pinaggagawa ng ibang mga contestants.

“Parang any moment ay may itatakbo sa ospital or may duguan sa stage.

“Pero bilang naging judge nga ako ng show, may mga pagkakataon na napapaiyak ka dahil sa sobrang galing ng ilang contestant.

“Iba’t ibang emotions nga ang naranasan ko sa show na ito kaya very proud ako na naging part ako ng Talentadong Pinoy.

“Mahirap man mag-goodbye sa show, pero yun ang naging desisyon nila,” pag-emote pa ni Sweet.

TALENTED HOST. Sa pagtatapos ng Talentadong Pinoy, alam ni Sweet na marami ang kukuha kay Ryan Agoncillo dahil sa husay nito sa kanyang pagiging TV host.

“Sa husay ni Ryan, pag-aagawan siya!” diin ni Sweet.

“Masasabi nga natin na mas nakilala bilang mahusay na host si Ryan sa Talentadong Pinoy kaya nawala man ang show, hindi siya mawawalan ng offers.

“Siyempre, marami ang makaka-miss kay Ryan dahil siya na ang naging mukha ng Talentadong Pinoy.

“Parang siya ang nagbibigay ng malaking pag-asa sa mga contestants na sumasali sa show.”

Kahit hindi pa nakakausap ni Sweet si Ryan tungkol sa pagtatapos ng Talentadong Pinoy, alam niyang mas nalulungkot ito.

“Siyempre naman, sa simula pa lang, si Ryan na ang nandiyan sa show.

“Siya na yung nakikipag-usap at nakikipagkuwentuhan sa mga contestants, pinapalakas niya ang loob ng mga ito.

“Kapag may isang contestant na umiiyak, yayakapin niya, kapag sobrang saya naman, nakikitalon din sa tuwa si Ryan.

“Ganoon siya ka-involved sa show, kaya hindi rin madaling tanggapin na bigla na lang ito mawawala.

“But like what I said, mawala man ang show, hindi mawawalan ng trabaho si Ryan.”

NEW SHOWS. Mawalan man ng isang show si Sweet, nagkaroon naman siya ng bago.

Kasama nga siya sa cast ng Mira Bella ng ABS-CBN na pinagbibidahan nila Julia Barretto, Kiko Estrada and Diego Loyzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyan ding busy si Sweet sa rehearsals ng kanyang malapit nang itanghal na show with BB Gandanghari na Beauty & The Sweet sa Music Museum on August 2 and 3.


(Read: BB Gandanghari and John Lapus combine “Beauty and Sweet” in live comedy musical show)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN