Ejay Falcon's Dugong Buhay extended until September 2013

Ejay Falcon shoots an intense kissing scene with Yam Concepcion for Dugong Buhay, which is extended until September 2013.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Extended hanggang Setyembre 2013 ang consistent top-rating afternoon series ng ABS-CBN na Dugong Buhay na pinagbibidahan ng ng Kapamilya Gold hunk na si Ejay Falcon.

“Ang saya ko po at ng buong cast and crew nang malaman namin na extended ang show dahil ibig sabihin sulit ang pinagpapaguran namin linggo-linggo at ang marami kaming napapasayang manonood,” pahayag ni Ejay. “Natutuwa rin ako kasi mas makikilala pa ng mga tao ang bagong Victor at makakasama sila sa mga darating pa niyang laban sa buhay.”

"Mula nang umere ang Dugong Buhay noong Abril, maraming TV viewers na ang na-hook sa TV remake ng nobela ni Carlo J. Caparas at mala-pelikulang pagkakagawa ng hit Kapamilya action-drama series na sa ilalim ng direksyon ni Toto Natividad.

"Sa ganda ng kwento ng kanilang serye, mismong si Ejay ay may natututunan sa kanyang sikat na karakter na si Victor. Aniya, “Sa lalim na ng koneksyon ko sa role ko, minsan ang pakiramdam ko ako na talaga siya. Pero sa totoong buhay naman, hindi kami nagkakalayo ni Victor kasi pareho kami na sobrang pinahahalagahan ang mga pamilya namin.”

"Ayon kay Ejay, mas tututukan ng TV viewers ang mga eksenang tampok sa mga susunod na episode sa Dugong Buhay, lalo na ang maiinit na engkwento nilang magkakadugong De Lara.

“Napakadami pang maaaksyon at madramang eksena bubuhay sa dugo ng viewers sa hapon. Dapat abangan nila kung paano lalamunin ng galit si Victor at ano ang mga gagawin niya upang sirain ang sarili niyang pamilya,” ani Ejay."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN