John Prats on Jason Francisco: "Nag-forgive na ko...pero hindi na namin kailangang mag-usap o magkita pa.”

John Prats says that the altercation between him and Jason Francisco not only affected him but the staff of Banana Split as well. "Yung insidenteng yun, nagtampo kaming lahat, hindi lang ako, pati staff, nagtampo sa kanya. Bakit kailangan niyang siraan ang Banana Split na bully kaming lahat."



Isa si John Prats sa mga taong “proud” sa narating ng kanilang comedy-gag show na Banana Split (na napapanood tuwing Sabado ng gabi) at Banana Nite (na napapanood naman kapag weeknights).

Nang makausap si John ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nila sa Music Museum, para itong biglang nag-reminisce or nagbalik-tanaw sa mga pinagdaanan na raw ng kanilang programa.

“Sobra kaming overwhelmed, e,” masayang sabi niya.

“Ang daming pinagdaanan ng show na ito, e. Nag-start kami ng Sabado. Sabado lang kami, tapos, tinanggap ng mga tao. Nag-daily kami ng morning. Nalipat kami ng hapon. Tapos, tinanggal ang daily namin.

“Nag-Club Mwah kami, kumbaga, nag-experiment kami ng bagong concept. Ipinasok kami r'on na walang kaalam-alam. Hindi naman kami mga stand-up comedian. Kumbaga, nairaos namin at learning din sa amin na, hindi namin alam na kaya pala namin.

“And then, ibinalik ang Banana Nite, sobrang blessed kami na parang, finally, alam mo yung, grabe, nakakatuwa lang na bilib yung management sa grupo namin. Na pinupuntahan kami ng mga tao.”

Natatandaan pa raw ni John na bago sila mag-Music Museum noon, nagsimula sila sa konseptong ang mga audience nila, bayad o may talent fee.

Ayon kay John, “Nagsimula talaga ang konsepto na yung mga audience namin, binabayaran namin, para silang mga talents na nakaupo ron. Siyempre, nag-start kami, taping kami na inaabot kami ng 4AM, 5AM, siyempre, sino ba namang audience ang maghihintay?

“Hanggang sa mag-start kami sa e-mail na, puwede ba kaming manood? TFC [The Filipino Channel], gustong manood. So, ininvite na namin. Hayan na, may audience na. Kasi kai, erratic ang schedule namin. Twice a month lang kaming nagmu-Music Museum, pero, dalawang episodes each.

“So, minsan, Tuesday, Thursday, minsan, magtu-tweet lang kami ng morning na, see you in Music Museum. Sila lang, pupunta lang sila kung gusto nilang pumunta. Nakakatuwang ang daming nanonood sa amin.”


Limang taon na ang Banana Split at limang taon na rin siyang nakikilala ng mga tao bilang komedyante. Pero, kung tutuusin, sa drama siya unang napapanood noon.

Okay na ba sa kanya na sa pagpapatawa na nga nalilinya?

Sabi naman ni John, “Actually, nakakatuwa kasi, nag-start talaga ko sa Ang TV, nag-Kaybol hanggang sa nag-matinee idol, siguro lang, nakakatuwa kasi, mas relax ako sa comedy.

“Gusto ko rin namang lahat, pero, ito kasi yung ang sarap ng grupo. Yung parang nagpupunta ka, hindi para mag-trabaho kung hindi para maglaro.

“Ang sarap pa, ang sikreto namin, hindi lang yung grupo. Pati yung mga nasa likod ng kamera, barkada namin. May suggestion kami at kung okay naman, sige, gawin mo ‘yan. Very open. Hindi yung, o, ito lang ang gagawin mo.”


Matagal na nga naming alam na maganda talaga ang samahan nilang lahat sa Banana Split.

Pero, paano kapag may mga away o nagkakapikunan?

Imposible naman siguro na walang nagkaka-pikunan sa kanila.

Ayon naman kay John, “Alam niyo, siguro, yung magandang nangyari sa amin, parte sa barkada yun, na nag-aasaran. At tanggap namin yun. May nalihis lang na isa. Isa lang naman, e, nanuntok, e,” natatawang sabi niya.



RIFT WITH JASON FRANCISCO. Siyempre pa, ang tinutukoy ni John ay ang dati rin niyang kasamahan sa Banana Split na si Jason Francisco kunsaan, bigla nga siyang sinuntok nito sa taping nila. Nauwi rin sa pagpapa-blotter ni John kay Jason noong gabi rin na yun matapos ang nangyaring insidente.

(Read: John Prats and Jason Francisco involved in altercation; John files complaint against Jason)


Sabi naman ni John nang nangingiti, “At saka, ang tagal na bago inilabas yun. Parang, ang weird lang na hindi ko talaga alam, saan nanggaling yun. Actually, other than that, yung insidenteng yun, nagtampo kaming lahat, hindi lang ako, pati staff, nagtampo sa kanya.

“Bakit kailangan niyang siraan ang Banana Split na bully kaming lahat. Kasi, kaming lahat dito, para kaming tropa. May isang kaibigan kayo, may isang inaasar kayo.”

Dugtong pa niya, “At saka, dito sa show na ito, pumasok ka rito, nang-aasar ka, naasar ka. At saka, barkada. Kung hindi ka namin inaasar, hindi ka namin pinapansin, mas lalo kang matakot na bakit hindi ka pinapansin.

“Siya lang naman ang nagka-problema ng ganoon. Kasi, lahat naman ng pumapasok, we always welcome with open arms like si Alex [Gonzaga], si Kean [Cipriano]. At open kami, gusto naming nakakakuha kami ng bagong comedian, bagong talent, kasi doon din magsisimula ang growth namin.

“Kung kami-kami na lang, nasaan ang growth, ‘di ba?

“At saka, gusto rin naming makatulong sa mga stand-up comedian na hindi naman napapansin.”


Nang kamustahin namin kay John kung okay na ba sila ni Jason ngayon, sinabi nitong, napatawad na raw niya ang dating kasamahan sa Banana Split.

Aniya, “Ako kasi, nag-forgive na ko. Pero, hanggang doon na lang yun. Ganoon na lang naman yun. Pero, hindi na namin kailangang mag-usap o magkita pa.”

Pero sila ni Melai Cantiveros, kumusta naman ang relasyon o pagkakaibigan nila, naapektuhan ba?

“Hindi,” saad niya.

“Nag-usap kasi kami after at mahal namin si Melai. Sobra. At actually, kami ang nagwo-worrry sa kanya kasi, kung nagawa sa akin yun, what more, baka, hindi natin masabi. Pero, palagi naming sinasabi, be careful.

“Siyempre, kapag mahal mo, hindi mo naman mapipigilan, pero, ingat ka lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN