Alex Gonzaga admits that sister Toni is her motivation for her first MMK stint; "Siya yung inisip ko, siya yung pinagkuhanan ko ng hugot ko dun sa mga eksena."

Alex Gonzaga thanked fellow actors and the director of her first Maalaala Mo Kaya episode for helping her pull off dramatic acting. "Kung hindi nila ako tinulungan, I don’t think magagawa ko yun.”



Sa unang pagkakataon ay sasabak na si Alex Gonzaga sa kanyang kauna unahang acting stint para sa Maalala Mo Kaya episode ngayong Sabado, August 3.

Sa maikling interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alex ay kinuwento niya ang naging experience sa paggawa ng isang MMK episode.

MAALAALA MO KAYA. Gaganap si Alex na Pinky para sa episode na ito. Siya ay isang adopted girl at makakaranas ng pang mamaltrato mula sa pinsang si Rene (Dimples Romana). Dahil walang ibang pamilya ay tiniis niya ang paghihirap kapalit ng pagpapaaral sa kanya. Pero hindi magtatagal ay magiging palaban rin siya at maipagtatangol ang sarili kay Rene.

Teaser pa lamang ang ipinapakita sa TV ay marami na ang nakapuna sa magaling na pagganap ni Alex, may ilang nagkomento na perfect ang kanyang acting. Kaya ang naging pabirong sagot ni Alex, “Baka perfect lang yung teaser?

“Pero sana mas maganda kung papanoorin nila bukas, August 3, after Deal or No Deal bago mag The Voice [of the Philippines]."

Masayang masaya si Alex sa experience na nabigay sa kanya ng MMK at pinasalamatan lahat ng nakatrabaho para sa “perfect” performance niya.

Sabi ni Alex, “Siyempre gusto ko pasalamatan yung director ko si Direk Don Cuaresma dahil kinakausap niya talaga ako before the take.

“And lalong-lalo na yung mga ka-eksena ko sina Ate Dimples Romana sobrang tinulungan niya ako. Siya pa ang nagmomotivate sa akin, so yun nagpapasalamat ako.

“Kasi kung hindi nila ako tinulungan, I don’t think magagawa ko yun.”

Kasama rin ni Alex dito sina Maila Gumila, Lito Pimintel, Daisy Reyes, Alan Paule, Guji Lorenzana at Slater Young.

Binigyan ba siya ng tips at motivation ng kapatid niya na si Toni Gonzaga? Ano ang motivation na binigay sa kanya?

Pabirong sagot ni Alex, “When it comes drama? Yung ginagawa niya lang every day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Kasi yung story is about sa kinakapatid mo na yung turing ko sa kanya is big sister si Ms. Dimples so naging parte siya ng motivation.

“Siya yung inisip ko, siya yung pinagkuhanan ko ng hugot ko dun sa mga eksena. Siyempre siya lang naman yung kapatid ko.”

Ano naman ang sabi ng kanyang ina na si Mommy Pinty? “Well ang sabi lang nila, ‘Maganda yung trailer sana maganda yung acting mo doon sa mismong MMK.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN