Maxene Magalona says kids of Mga Basang Sisiw were initially scared of her

Maxene Magalona says about the kids of Mga Basang Sisiw: "Noong umpisa, parang hindi nila ko matingnan. Parang takot na takot sila na."



Masaya si Maxene Magalona sa pagtanggap ng mga tao sa role niya bilang kontrabida na si Vicky sa GMA-7 afternoon soap na Mga Basang Sisiw.

Ayon sa Kapuso actress, “When I was offered the role, I was scared na baka hindi ko kaya. Siyempre, it’s something new. It’s something I’ve never done and it’s a big change. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao.

“Siyempre, as a celebrity, you want it also na, you consider kung ano ang mapi-feel ng mga fans mo, ano ang sasabihin ng mga tao. You’ll consider these things but at the end, you’ll still do what you have to do, ‘di ba?

“Kasi, bad ang character, e, yung mga tao, sanay sila na ako ang inaapi. It’s not that, best friend lang ako dati, ako yung inaapi. And now, it’s very extreme. Natakot ako na baka hindi magustuhan ng mga tao. Hindi naman ako natatakot na magagalit sa akin ang mga tao but it’s more of, baka hindi ko magawa ng tama ang trabaho ko.

“Siyempre, as an artist, I want to do all my best and to give my all. And when finally, with the help of my Mom [Pia Magalona], she’s the one who told me na, I think, you need to do something different. Ini-encourage niya ko. Kasi, si Mama, hindi naman niya ako papagawan ng something na sa tingin niya, hindi ko kaya. And my Mom, she always want something best for me.

“At saka ako, I never think na okay na ko. I always believe, there’s room for improvement. So, I asked my Mom for me to have a workshop with Mr. Pen Medina.”

Para sa karakter niya sa Mga Basang Sisiw, nag-personal workshop daw siyang talaga sa premyadong aktor.

Sa ngayon, masaya raw siyang talaga sa kauna-unahang kontrabida role niya.

Ayon pa kay Maxene, “Sabi nga ni Sir Pen, dapat daw, kilalanin ko ang character. Alamin ang history niya, ano ang background niya. Kumbaga, I want to do acting that is not just the surface anymore. I want to do na mas malalim, siyempre.

“And actually, sa mga comments, kahit na wala akong marinig but if I feel na masaya ko sa ginagawa ko and I feel na masaya kaming lahat dito sa set, okay ang mga directors sa ginagawa ko, okay ang mga co-actors ko, you know, I’d like to have a very harmonious working relationship. Gusto ko very harmonious, very peaceful.

“Yung naririnig kong balita na mataas ang rating, para sa akin, bonus na lang lahat ‘yan. Ang rating, bonus na lang. Dapat masaya ka sa ginagawa mo on your own. Hindi yung dahil sa okay, ginagawa ko ‘to, tapos kung may marinig kang balita sa ibang tao, doon ka magiging masaya. Hindi dapat ganun. Dapat, you find happiness in your own way.”


Maraming komento na nababasa na talagang masama ang tingin sa kanya ng tao lalo pa nga’t mga bata talaga ang inaapi niya sa afternoon series nila.

Sabi naman ni Maxene, “Okay lang, okay lang sa akin. Kasi, ‘eto lang ‘yan, bilang ako ang inaapi dati, I know kung ano ang trabaho ng kontrabida. Alam ko kung gaano kahirap ang trabaho ng kontrabida for her to make me feel scared, kawawa ako, ang galing niya.

“Hindi ko sinasabi na dahil lang sa inaapi, siya lang ang dapat bigyan ng credit. Kasi, kung walang kontrabida, hindi rin naman siya magiging kawawa. So for me, noong binigay sa akin ang show na ito, at first, I was hesistant. Kasi nga, baka hindi ko siya magawa ng tama.

“So, when I did na, I give it my all. It’s either you do it all the way or not do it at all at dahil tinanggap ko, all the way na tayo.”

Kahit daw si Miko Zarsadias, ang gumaganap na bunso sa magkakapatid bilang si Mickey Santos, sa kanya lang daw natatakot at siya lang ang nagpapaiyak dito.

Mismong ang director nila na si Ricky Davao ang nagkukuwento nito.

“Ay naku, ang nakakatuwa ron, noong umpisa, parang hindi nila ko matingnan. Parang takot na takot sila na, 'O, ano, you want me to make you cry?' Pero, sabi nga ni Direk Ricky, si Mickey, huwag na nating guluhin ha, four years old kasi siya.

“Alam mo yung magagalit ka, tapos, sorry na. Kaya after a while, hindi ko na siya pinapansin after the cut. Umaalis na ko. Kasi, nalilito ang bata kapag bigla akong mabait. Tapos siya, tumitingin siya sa akin. Hinihintay niya akong mag-sorry. Pero, maya-maya, lapit na siya, [sinasabi] 'Ate Maxene.' Kaya kapag hindi take, hindi namin pinag-uusapan ang trabaho. Kay Mickey lang naman namin ine-explain kasi, the rest of them, they understand.”

Kapag nasasaktan na raw niya ang mga bata sa mga pisikalan na eksena nila, yun daw ang pinakamahirap para sa kanya.

“There was this one time, nakita ko si Ms. Cherie Gil outside. It so happened na birthday dinner rin niya non. So, I told her, Ms. Cherie, Happy Birthday and I just want you to know that it’s my first time to do a kontrabida role.

“Someone actually tweeted me na parang si Cherie Gil ang pagkaka-portray ko sa eksenang yun. I just want to say that I’m so happy. And sabi ni Ms. Cherie, 'Wow, I’m so proud that you went up to me.' Sabi niya, 'Okay, what’s your role?'

“Sabi ko, nang-aapi po ako ng mga bata. Sabi niya, 'Oh, mga bata? You know what, that’s my biggest no, no. After I hurt children in a show, I said talaga, no more. But you, you’re still young, you explore.' So, parang ako, it’s just so comforting [to hear that] from Cherie Gil herself.”

Dugtong pa niya, “Nakakatuwa rin pero, inaaalalayan ko rin. Namimiss ko na nga ang mga bata. Ngayong magkahiwalay kami. And now that we’re extended, I’m excited to know kung ano ang mangyayari.”

Kahit na si Raymond Bagatsing ang tila kina-oobsesan niya sa serye, balik-tambalan din sila rito ni Mike Tan.

Sabi naman agad ni Maxene, “Ay, I love! May love angle rin naman kami kasi, dati ko siyang ex-boyfriend. Nakakatuwa kasi, yung loveteam namin ni Mike, it’s not your regular loveteam.

“Ang dami na naming nagawa. Mula Trudis Liit na biglang dumating sa Faithfully hanggang dito sa Mga Basang Sisiw. I’m excited. Gusto ko yung loveteam namin na marami kaming ginagawa and kumportable na kami sa isa’t-isa, wala nang kiyeme.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN