Anthony Taberna on Chito Miranda-Neri Naig scandal: “Palagay ko malalampasan nila ‘to basta’t maganda handling.”

Anthony Taberna on interview with Mexican superstar Thalia: "Dapat, abangan niyo yung interview namin kay Thalia. Ang ganda ng interview namin although nag nosebleed ako. Pero kasi very charming siya at 42 years old, e. Ang sarap niyang kausap at saka alam mo yung nag-e-effort na sabihin yung pangalan ko."


Madalas na napapanood ang kapamilya host na si Anthony Taberna na umuusisa sa mga controversial public figures at mga national issues sa kanyang mga programa.

Ngunit ngayon, bukod sa mga ito, maging showbiz personalities ay kanya na ring kakapanayamin sa bago niyang programa, ang Tapatan Ni Tunying.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Anthony Taberna last Tuesday, August 6, sa ELJ Communications Center sa Quezon City, nilinaw ni Anthony na hindi lang showbiz personalities naka-sentro ang kanyang bagong programa.

Saad ni Anthony, “Actually, hindi siya naka-focus sa showbiz.

“Nung pinakita sa amin to, parang expanded version nung segment nung morning show na Punto por Punto saka yung yung Manu Mano kami dati sa Studio 23.

“Kaya lang, we will go beyond politics, e.

“Parang hindi lang politics, hindi lang mga national issues kundi kasama lahat pati artista o pati ordinaryong tao na siguro, somehow, involved sa mga controversies… mga issue na current issues.”

Ano kaya ang kanyang motivation sa tuwing bibira siya ng mabibigat na tanong sa kanyang mga ini-interview?

Sagot ni Anthony, “Ang motivation ko kasi, e, pag-uupo na ako, gusto kong malaman yung totoo.

Paglilinaw pa niya, “Sabi nga ng iba matapang daw ako.

“Hindi ako matapang, tinatanong ko lang kung ano yung totoo.

“Deretsahan, tapatan.”

Ngunit inamin din naman ni Anthony na meron ding downside ang pagiging matapang niya sa pagtatanong tungkol sa mabibigat na isyu.

“Mahirap kasing malagay ka on the spot e.

“Journalist tayo, gusto natin ng malaking istorya pero sa bandang dulo, pagkatapos ng interview baka nasaktan ko yung dadamin niya, o baka maapektuhan yung pamilya niya o kaya yung relasyon niya.

“Naiisip ko yun kaya lang wala e, trabaho nila sumagot, trabaho ko magtanong kaya Tapatan Ni Tunying.”

SHOWBIZ TALK. Sa kanyang bagong programa, hindi lang national issues ang kanyang tatalakayin kundi pati buhay ng mga artista ay kanyang uusisain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ayon kay Anthony, hindi naman daw niya gusto maging showbiz talk show host.

Aniya, “Sabi ko naman, hindi parang, tawag dito…

“Maisho-showcase mo na hindi ka lang mata-typecast sa iisang particular na platform.

“Pwede ka ring maging versatile or flexible para sa iba.”

Inamin din ni Anthony na nai-intimidate din siya sa tuwing mag-i-interview siya ng mga artista para sa kanyang palabas.

Saad ni Tunying, “Naiintimidate ako sa mga artista, e, naa-amaze ako sa mga artista.

“Siyempre, sikat tapos parang iba yung mundong ginagalawan nila.

“Pero pagka-bago naman kami sumalang, meron namang nakakapag kuwentuhan naman ng konti.

“Sabi ko parang yung usual Punto por Punto lang pala ‘to.

“Basta ang commitment lang na hinihingi ko sa kanila, kailangan talaga ‘to tapatan talaga ‘to, walang itatago.

“Kung ano man yung tanong namin, sagutin niyo.”

Para kay Anthony, mas masarap daw kausap ang mga artista ngunit meron siyang napapansin sa tuwing sasagot ng isyu ang ilang showbiz personalities.

Aniya, “Sa isang banda, parang yung mga—parang mas masarap kausap yung mga celebrity kasi ang gaganda, e.

“Pero ang napapansin ko, yung mga naiinterview niyo rin, showbiz sumagot yung iba.

“Kumbaga, pwede mo nang sagutin ng oo o hindi pero parang wala ka namang nakukuhang sagot.

“Pero in fairness to those who I have interviews, mukhang sinabi naman sa akin nila lahat ng totoo dun sa ano.”

Samantala, nilinaw rin ni Anthony na wala siya balak maging showbiz talk show host ngunit nagpapasalamat siya sa mga taong nakakapansin ng kanyang galing.

“E, magpapasalamat ako kung nakikita nila na ganun pero sa tingin ko kumbaga sukat ko naman kung anong kakayanan ko, palagay ko hindi ako bagay sa showbiz.

“Pero kung pagtatanong lang naman, siguro kayang tanungin yung Presidente ng Pilipinas, kaya kong tanungin yung pinakamahirap na tao sa bansa na ‘to, siguro naman makakaya ko ring tanungin yung mga taga-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, pwede mo siyang gawin without shifting to another field, e.

“Siguro, parte lang ng trabaho na… nagkataon lang na puro artista yung nakakausap natin.”

SCANDAL. Kung bibigyan ng pagkakataon, sino kayang artista ang gusto niyang ma-interview ngayon?

Sagot ni Anthony, “Ngayon, gusto kong ma-interview si Chito Miranda, e, ‘tsaka si Neri [Naig].

“Actually, naaawa ako sa kanila e, dahil sa kung talaga namang ginawa nila yun para sa kanila lang, pribado lang, kahit naman siguro sa values natin ayaw nating gawin yun.

“Pero kung yun ang gusto nila, respetuhin natin.

“Kaya lang, ngayong naging publiko yung ginawa nila, yung iba nakakaawa.”

“Yung mahabang panahon na yung pangalan na matagal nilang ipinundar, biglang babagsak dahil sa ganun.

“Magkakaroon ng ibang pagtingin ang mga tao sa kanila so, naaawa ako.

“Siguro, ang moral of the story. Kung gagawa ka nun, sabi nga nung IT expert na nakausap ko [kahapon], yung trip mo lagyan mo ng password para kahit na malaman, hindi rin mabubuksan agad-agad.”

Dagdag pa niya, “Pero sa tingin ko, kung merong ibang taong naka-survive dito in the past, maganda pa rin ang imahe…

“Palagay ko malalampasan nila ‘to basta’t maganda handling.”

Ano naman kaya ang una niyang itatanong kay Chito Miranda?

Sagot ni Anthony, “E, itatanong ko ‘Bakit kasi nirecord-record…? Bakit mo pa ginawa? Bakit kasi nagrecord-record ka pa, e, ang galing mo na ngang recording artist?’

Samantala, nagbigay naman siya ng payo sa kasintahan ni Chito na si Neri Naig na huwag na lang magbigay ng pahayag tungkol sa eskandalong kanilang kinasasangkutan ngayon.

Aniya, “Mabuti pang huwag na lang siyang sumagot.

“Papayuhan ko na lang, mabuti pang huwag nang sumagot dahil sabi ko nga kanina, maraming ganyang na-involve in the past na hindi sumagot [at] na-handle mabuti, look at her now.

“Na okay naman pala.

“Hindi naman na rin siya menor de edad e…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Anthony, “Yun nga ang maipapayo ko sa kanila: 'Less talk, less mistakes.'”

MEXICAN SUPERSTAR. Ipapakita sa mga darating na episode ng Tapatan Ni Tunying ang interview ni Anthony Taberna via Skype sa Mexican superstar na si Thalia. Si Thalia ang nagbida sa mga kilalang Mexican telenovela noong '90s kabilang ang Marimar, Rosalinda at Maria Mercedes.

Pagmamalaki ni Anthony, “Dapat, abangan niyo yung interview namin kay Thalia.

“Ang ganda ng interview namin although nag nosebleed ako.”

“Pero kasi very charming siya at 42 years old, e.

“Ang sarap niyang kausap at saka alam mo yung nag-e-effort na sabihin yung pangalan ko.

“Every now and then, pag sumasagot sa tanong ko ‘Tunying.’”

Kilala na raw siya ni Thalia bago pa man ang kanilang interview dahil napanood nito ang segment nila na Punto por Punto sa Umagang Kay Ganda kung saan pinag-uusapan nila ang American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez.

Ang asawa ni Thalia na si Tommy Mottola ang magpo-produce ng unang album ni Jessica.

Kuwento ng Umagang Kay Ganda host, “During that time, alam ni Thalia na may lahing Pilipino so nag-monitor siya dito sa atin.

“Nakita na siguro sa ABS-CBN online kasi ina-upload dun yung Punto por Punto.

“Ang insidente dun, meron siyang isang nanny na Filipina.

“Itina-translate nung nanny niya sa kanya.”

Ibinahagi rin ni Anthony na pinadalhan siya ni Thalia ng autographed book at ang latest niyang album matapos ang kanilang interview.

Kuwento ni Anthony, “Thereafter, pinadalhan niya ako nung libro na sinulat niya, yung lifestory niya.

“‘Tsaka pinadalhan niya ako ng CD nung bago niyang album.”

Nag-tweet rin daw si Thalia na isa na raw siya sa mga fan ni Anthony.

Saad pa ng TV host, “Sabi ko nga sa kanya, ‘you made me more popular’ dun sa ginawa niya na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, yung misis ko sa sobrang tuwa, e, nagpadala din ng ano…

“Tuwang-tuwa [siya], iniinterview niya.

“Wala kasi akong Twitter kaya sila lang nagkakaalaman kaya talagang nakakatuwa, e.

“So nung nagrequest kami ng interview sa kanya, hindi kami nahirapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN