Sunshine Dizon explains why she chooses not to do kissing scenes

Sunshine Dizon explains why she chooses not to shoot kissing scenes and love scenes in her projects.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Sunshine Dizon nang magkaroon ng press visit sa Mundo Mo’y Akin noong August 7 sa Fernwood Gardens.
Wala pang prosthetic si Sunshine na siyang gumaganap bilang si Perlita at sa mga napapanood nga gabi-gabi sa kanilang primetime series sa GMA-7, siya na lang ang masasabing hindi pa rin maganda.
Kaya ang panimulang tanong namin sa kanya ay kung gaganda rin ba siya tulad ng mga karakter nina Angelika dela Cruz at Louise delos Reyes na mga nasiganda na.
Sabi naman ni Sunshine, “Maganda lang ang ugali.”
Biniro naman namin siya na bakit tila hindi niya magawang mahalin ang tunay na anak sa serye na si Darlene o si Lauren Young. Parang hindi siya maka-move-on kay Marilyn o kay Louise.
Natatawang sagot naman niya, “Ewan ko rin ba, hindi ko rin maintindihan.
“Siguro alam mo, in life, ganoon naman talaga. Kahit may mga pamangkin ka, hindi mo naman ano, pero, kapag katabi mo, yun ang mahal mo. Siguro, ano naman, there are couple of scenes na parang Perlita’s slowly realizing na she has to make up [it to] her daughter.”
Kung tatanungin siya sa mga nangyari na sa primetime series nila at kung ilang beses na rin na-extend, masasabi niya bang gusto niya ang karakter niya rito?
“Oo,” saad naman niya.
“Parang medyo—it’s more of, how can I explain that, parang lumalaylay lang at times. Maybe because parang we’re still trying to find a way to extend the story which is, usually happens naman in all soap. Na magkakaroon ng lag kapag alam mo yun—parang hindi mo naman expected.
“Parang ang plot mo naman usually, from the start to the end. E, kapag biglang, uy, may kailangan, so yun.”
Wala raw problema kay Sunshine kung mother roles man ang napupunta sa kanya. Sabi nga niya, “bagay naman sa hitsura ko ngayon.”
Pero, nag-desisyon na rin daw siya na kailangan na nga niyang seryosohin ang pagpapayat.
Sabi niya, “Now, I’m really doing all the best effort na to really lose weight kasi, I’m really tired. Pagod na ko. Pagod na ko sa weight ko. I’m very tired of my weight. Pagod na pagod na ko.”
Ano ang ginagawa niya para pumayat?
“Ngayon, I’m back from doing Cohen [diet]. Nagko-Cohen na ko ulit. Kumbaga, pinagbibigyan ko lang din naman ang weight because it suits the role, e. Kasi, kung nagkataon na pumayat ako ng sobra and then, ganun, baka puwedeng magkapatid lang kami.”
May time frame ba siya sa pagpapapayat niya?
“Oo naman,” natatawa pa niyang sabi.
“Ngayong patapos na kami, seryoso na ulit. Kasi, parang I was watching myself sa Magpakailanman, parang, oh no! Pero, parang okay lang kasi, character naman ni Tita Arlene Tolibas. Pero, I called nga may E.P. [executive producer].
“Sabi ko kay Nanay Mona [Mayuga], promise Nay ha, next natin, ayoko na ng ganitong itsura ha. Sabi niya, oo naman, dapat lang. Pero, buti naman, medyo mabilis din naman. My heaviest was two weeks ago. I was 172 [pounds], grabe ang bigat ng katawan ko.
“Siguro kasi, parang noong June, nag-U.S. kami, birthday ng anak ko. So, parang kain ng kain ng kain. Ngayon, medyo bumababa na, nasa 165 [pounds] ako, tapos, eto na, balik ko na ang Cohen ko. Ang Cohen naman kasi, mabilis. You can really lose 1 pound a day if you really stick to it, hindi ka mandaya.”
NO TO KISSING SCENES AND LOVE SCENES. Aminado naman si Sunshine na kahit naman daw pumayat na siya, hindi na raw bagay sa kanya kung magpapa-tweetums pa siya. Mga mature roles na raw talaga.
Pero, aminado ito na walang kissing scene o love scene.
Sabi nito ng natatawa, “E, baka batukan ako ng asawa ko na nakikipag-halikan ka pa riyan. Kung kailan ka nagkaroon ng dalawang anak, saka ka pa nakipaghalikan.”
May limitasyon talaga siya sa bagay na yun?
“Oo naman, they know that, kahit noong dalaga ako. Kahit noon naman, lahat, daya, ngayon pa kaya. Yung sa Magpakailanman, sabi ni Fabio [Ide], 'why not?' E, sabi ko, My husband will not be happy. Hindi lang nila alam, yung dibdib ko, gumaganun-ganun.
“Chinese po ang asawa ko at family,” natatawa pa niyang kuwento.
Istrikto ba ang pamilya ng napangasawa niya?
“Hindi naman, they are modern but they are really conservative. Kasi, there was a time pa nga, my husband, si Tim [Timothy Tan], sabi niya sa akin, alam mo ba, Mahal, nagtanong daw si angkong, yung Lolo niya.
“Ano raw ba ang trabaho ko? Bakit umaga umaalis, umaga na rin umuuwi. Siyempre, matanda na kasi. Parang sabi yata ni angkong, 'why are you allowing her to work ng ganun?' Siyempre, pride siguro na bakit pinagta-trabaho mo ang asawa mo?
“My husband said, 'hindi angkong, ganoon po talaga ang trabaho niya.' So, inexplain naman. Pinapanood ng Mundo Mo’y Akin. Pero, siyempre, matanda na. Pero, nagulat ako noong sinabi sa akin. Kasi, kahit naman sino, ano ang ginagawa ko? Nagkataon pa kasi, pag-alis ko, 'Hi Angkong!' tapos, pag-uwi ko, 'Hi Angkong,'” natatawa niyang kuwento.
“Siguro, nag-stick sa mind niya, ano ba ‘to, umaga umaalis, umaga dumarating. What happened? At saka, siyempre, sa kanila, kapag family, kapag babae, sa bahay ka, you take care of your family. Pero, na-gets naman nila.”
Pero, natatawa rin na kuwento ni Sunshine nang panoorin naman daw ng Lolo ng kanyang mister ang teleserye nila, nagulat naman daw ito sa nakitang hitsura niya.
Aniya, “Parang yun nga raw, parang ano ang nangyari, bakit daw ganoon ang hitsura. E, even my daughter, kapag nakikita ko. Pero, after a while, she gets used to it. Madaldal na kasi si Doreen.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN