Spyro Marco hailed as Ultimate Talentado in Talentadong Pinoy Worldwide

Spyro Marco of Nueva Ecija wins in Talentadong Pinoy Worldwide: The Battle Royale, taking home P1 million pesos and a house and lot.




Si Spyro Marco ng Nueva Ecija ang itinanghal na ika-apat na Ultimate Talentado sa grand finals ng Talentadong Pinoy Worldwide: The Battle Royale.

Naganap ang grand finals ng TV5 talent search show ngayong gabi, August 18, sa Cuneta Astrodome, Pasay City.


Pinakita ni Spyro Marco ay gilas niya sa Chinese Yo-yo. Sa press conference kamakailan, iknuwento ng New York-born performer na nagkainteres siya sa Chinese Yo-yo pagkatapos niyang makakita nito sa isang trip nila sa Disneyland.

Ang 50 percent ng mga boto ay mula sa talent scouts na sina Derek Ramsay, Edu Manzano, Joey de Leon, Direk Joey Reyes, Judy Ann Santos, at Sharon Cuneta.

Ang natitirang 50 percent naman ay galing sa text votes, na siya ring nasungkit ni Marco nang makuha niya ang Texter's Choice award, na may premyong P20,000.

Ang premyong iniuwi ni Spyro Marco bilang Ultimate Talentado ay P1 million pesos at isang 3 bedroom house and lot sa Tagaytay na mula sa RCD Royal Homes.

Ang mga nakalaban ni Spyro Marco para sa titolong Ultimate Talentado ay sina Laserman, Sor, Larvae, Rina Forbes, Nocturnal Dance Company, at Haina.

Pero bukod sa grand finals, isa pang inabangan ng lahat ay ang dance number ni Ryan Agoncillo kasama ang kanyang anak na si Yohan at ang The Maneuvers.

Ito ay espesiyal na performance para kay Ryan dahil ito na ang huling season ng Talentadong Pinoy.


(Read: Ryan Agoncillo on cancellation of Talentadong Pinoy: "I think the decision of the management to cancel our show, sucks!")



NEW SHOWS. Kasabay ng grand finals ng Talentadong Pinoy, pinakilala rin ang ilang bagong shows ng TV5.

Una na diyan ang kay Joey de Leon na Wow Mali Pa Rin!, na magsisimula sa Setyembre.

Masayang-masaya naman ibinalita ni Sharon Cuneta ang una niyang TV series sa Kapatid network, ang Madam Chairman, na magsisimula sa Oktubre.

Excited din na ibinalita ng Megastar ang show niya sa Setyembre, ang The Mega and The Songwriter, kung saan niya makakasama ang bagong Kapatid talent na si Ogie Alcasid, na magsisimula naman sa Setyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN