26K girls evicted; Megan Young remains inside Big Brother's house


Jen Da Silva (left) and Marylaine Viernes (middle) are the first housemates to be evicted from Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Megan Young (right) escapes eviction because she received 87.89 percent of the votes.


Natanggal kagabi, October 27, ang dalawang 26K girls na sina Jen Da Silva at Marylaine Viernes sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Nailigtas naman ng viewing public si Megan Young na nominated last week.

Umani si Megan ng 87.89 porsiyento ng mga boto samatalang ang 2-in-1 housemates na mga 26K girls ay nakakuha lamang ng 12.11 percent. Sina Jen at Marylaine ang unang natanggal sa PBBCE 2 makalipas ang dalawang linggo sa loob ng Bahay ni Kuya. Dahil 2-in-1 housemates sina Jen at Marylaine, ibig sabihin kung manominate ang isa sa kanila, automatically nominated rin ang kanyang kapareha. Bukod sa Brainy Babe Marylaine at Despised Babe Jen, ang isa pang pares ng 2-in-1 housemates ay sina Baron Geisler at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Donnie.

Inakala naman ni Megan na kaya siya na-nominate ay dahil naaartehan sa kanya ang mga iba pang celebrity housemates dahil hindi siya kumakain ng isaw. Pero ang totoong dahilan ay dahil kulang raw siya sa energy.

Nang lumabas sa Bahay ni Kuya ang dalawang evictees, iniwan nila ang kanilang footprints sa unang Celebrity Walk of Fame.

HEAD OF HOUSEHOLD. Isa pang bagong feature ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ay ang pagkakaroon ng Head of Household (HOH). Ang HOH ay may mga special privileges tulad ng special shower room, at siya rin ay may immunity sa susunod na nomination night. Ang HOH ay may kapangyarihan rin na mag-nominate automatically sa isang housemate for eviction.

Upang pagpasyahan ang unang Head of Household, pinaglaro ni Big Brother ang mga celebrity housemates ng " Touch the Color" ngunit kailangan nilang magsuot ng higanteng mga kamay upang abutin ang mga kulay. Si Yayo Aguila at Ethel Booba ang naiwan sa huling round ngunit nanalo ang Ultimate Pasaway upang maging unang Head of Household. Sino kaya ang ino-nominate ni Ethel ngayong gabi?

Abangan ang next batch of nominees for eviction at ang bagong Head of Household ngayong gabi, October 28, sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 Primetime Edition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN