Cesar Montano on his leading lady Solenn Heussaff: "She’s very easy to love and magustuhan."

Cesar Montano says about his Akin Pa Rin Ang Bukas leading lady Solenn Heussaff: "she’s very easy to love and magustuhan."


Pagkatapos ng isang taon ay muling nagbabalik sa GMA-7 ang award-winning actor and director na si Cesar Montano.
Ito ay sa pamamagitan ng primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas. Kasama niya sa cast sina Lovi Poe, Rocco Nacino, Liza Lorena, Charee Pineda, Solenn Heussaff, Ina Feleo, Gary Estrada, Steven Silva, Tia Pusit, at Gloria Romero. Mula ito sa direksiyon ni Laurice Guillen.
Noong isang taon ay lumabas sa dalawang programa ng TV5 si Cesar—bilang host ng Artista Academy at bilang isa sa lead stars ng primetime soap na Never Say Goodbye.
Ang huli naman niyang naging proyekto sa Kapuso Network ay ang sitcom na Andres de Saya noong 2011.
Paano siya nakabalik sa bakuran ng GMA Network?
Lahad ni Cesar, “Wala, e, biglaan lang tumawag si Ms. Redgie Magno [VP for Drama] at kasama niya si Jun Lana [creative director].
“Noong unang sit-down pa lang namin, ikinuwento na sa akin ni Jun Lana and I’ve worked with him in several projects—sa Rizal and Muro-Ami.
“Maganda, maganda ang istorya, maganda ang pagkakakuwento sa akin.
“Immediately nga, I liked the project and I grabbed it.”
May offer rin daw na lead role sana kay Cesar, pero mas pinili niya ang Akin Pa Rin Ang Bukas.
Katuwiran ni Cesar, parang “mas magaan” ito.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa grand launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas noongAugust 29 sa Studio 7 ng GMA Network.



SOLENN AS LEADING LADY. Nang simulan ni Cesar ang taping para sa Akin Pa Rin Ang Bukas ay kasagsagan ng kontrobersiya nila ng asawang si Sunshine Cruz.
Kaya tinanong namin ang aktor kung naging magaan din ba sa kanya ang pagtatrabaho sa bagong teleserye.
Sabi ni Cesar, “Tunay, oo, totoo.
“Dahil nabasa ko na ang script, nakita ko ang cast…
“And Direk Laurice Guillen, yung unang pelikula ko kung saan ay nagwagi ako ng Best Supporting Actor is from the movie Ang Bukas Ay Akin noong 1989.”
Si Laurice ang nagdirek ng tinutukoy na pelikula ni Cesar.
“So, doon kinuha, kaya excited ako na makasama ulit si Direk Laurice.
“But it’s not a remake. It’s a totally different story.”
Ang love interest naman ni Cesar sa Akin Pa Rin Ang Bukas ay si Solenn Heussaff.
Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Solenn, naikuwento nito na noong 13 years old pa lang siya ay nakilala na niya si Cesar.
Kuwento naman ni Cesar, “Oo nga, girlfriend ko siya rito.
“Ang daddy niya, sa tunay na buhay, kaibigan ko.
"During the time of filming Jose Rizal, I met the father.
“Kaya noong nagkaroon kami ng storycon dito, may dala sa aking libro agad from her father.”
Nakikita niya ngayon si Solenn na isa nang ganap na babae, ano ang naging reaksiyon niya?
“Oo nga, e. Hindi ko ma-imagine na ito yung bata noon na halos ihatid ko sa eskuwelahan noong high school.”
Biro namin kay Cesar, hindi ba niya naisip nang makita si Solenn na 'sana hinintay ko na lang?'
Natawa si Cesar saka sinabing, “Masyadong matagal.”
Si Cesar ay 51 years old na samantalang si Solenn naman ay 28.
“Pero hindi, napakaganda niya and she’s very easy to love and magustuhan.
“Kahit sino, magkakagusto sa kanya. Napakabait na bata, napakaganda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN