Andi Eigenmann reunites with Matteo Guidicelli for afternoon series Galema: Anak ni Zuma



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Posible ba ang isang ordinaryong buhay para sa isang ekstra-ordinaryong babae? Anong halaga ng pagmamahal ng isang pamilya para sa isang dalagang walang ibang hangad kundi tanggapin siya ng lipunang ginagalawan niya?


"Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV viewers ng ABS-CBN ang makamandag na ganda ni Galema: Anak ni Zuma. Bibigyang buhay ang classic Pinoy komiks character na ito ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann.

"Ang Galema: Anak ni Zuma ay halaw sa sikat na serye sa komiks ni Jim Fernandez na mas naging popular sa masa ng maisapelikula ito noong 1985 at pinagbidahan ng aktres na si Snooky Serna.

"Ngayong 2013, bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, muling ipakikila sa TV viewers si Galema: Anak ni Zuma na malapit nang mapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Ang inaabangang TV remake ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning at box-office director na si Wenn V. Deramas.


"Ang Galema: Anak ni Zuma ay kwento ng mabait na dalaga na si Galema (Andi) na minana ang sumpa ng kanyang ama na si Zuma—ang pagkakaroon ng kambal na ahas sa kanyang balikat.


"Makakasama ni Andi sa Galema: Anak ni Zuma sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at ipinakilala si Derick Hubalde bilang si Zuma


"Tuklasin ang naiibang kamandag ni Galema: Anak ni Zuma ngayong Setyembre na sa ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN