Eula Valdes working on primetime series Kahit Saan Ka Man and musical play The Addams Family

Eula Valdes is cast as Morticia in The Addams Family, which will be staged by November 15.



Masaya ang mood ni Eula Valdez nang dumalo sa story conference para sa bagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man, na ginanap sa new building ng GMA Network compound last Saturday, September 7. Bida rito si Julie Anne San Jose with Kristoffer Martin bilang leading man nito.

Gagampanan ni Eula ang character ni Chanda de Chavez. Sa istorya ay aampunin niya si Leandro na gagampanan naman by Kristoffer.

Sa mga nagawa niyang soap dati, tumatak na sa televiewers ang husay ni Eula bilang isang versatile actress. At may lumulutang pa ang husay niya sa pag-arte kapag kontrabida ang character na kanyang ipinu-portray.

“Pero hindi naman kontrabidang masasabi ang role ko dito,” sabi ni Eula nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew ng Kapuso Network.

“Ano lang siguro, may mga instances or may mga events na magli-lead to… hindi naman pagiging kontrabida.

“Pero siyempre, hindi naman lahat sinasang-ayunan mo. Or ‘yong mga desisyon, e, lahat positibo.

“Meron lang mga pangyayari na ma-unfold. Na magli-lead sa isang… basta!” sabay tawang pambibitin ng aktres.

Pinaghalong musical at drama ang tema ng Kahit Saan Ka Man. Mapapasabak din kaya siya sa kantahan?

“Hindi ko alam!” sabay halakhak ni Eula.

“Pero masaya ako at napasama ako sa proyektong ito.

“At very positive ang pakiramdam ko dito. Habang nag-i-story con nga kami for this, tinitingnan ko ‘yong mga mukha.

“’Yong iba… almost half ng mga kasama ko sa story con pati ‘yong director, nakatrabaho ko na before. Pero ‘yong iba, hindi pa.

“So, alam mo ‘yong… nakikiramdam ako?

“Parang… masaya ako na positibo naman ang pakiramdam ko dito sa project.

“And… nataon din sa timing na gagawin ko ‘yong musical play na Addams Family.

“Sa Broadway actually ‘yong play na ‘yon. Pero meron din tayong version dito under Atlantis Production naman.

“So… alam mo ‘yon? Lalagare ako. Taping para sa Kahit Saan Ka Man. Tapos rehearsals para nga do’n sa Addams Family.”

Gaya ng pakiramdam niya habang hinihintay na magsimula ang taping para sa musical-drama series ng Kapuso network, gano’n din daw siya ka-excited para sa musical play naman na gagawin din niya.

“Ang director namin ay si Bobby Garcia. Makakasama ko rito si Arnel Ignacio. Siya ang magpi-play ng Gomez.

“Mag-i-start na kaming mag-rehearse. Bale magra-run ito from November 15 hanggang December 1, sa Meralco Theater,” panghuling nasabi pa ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN