Imelda wants Bongbong Marcos to run for President in 2016



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Tahasang ibinunyag ni Ilocos Norte congresswoman Imelda Marcos kay Anthony Taberna ang kagustuhan niyang tumakbo ang anak na si Senator Bongbong Marcos sa pagkapresidente sa 2016 ngayong Huwebes (Setyembre 12) sa Tapatan Ni Tunying.

"Malaki ang tiwala ng dating unang ginang sa kakayahan at potensiyal ng anak na masundan ang yapak ng kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos.

“Bilang isang nanay, pinag-aral natin yan sa pinakamagaling na eskwelahan. Maganda ang record ni Bongbong at meron siyang magandang pananaw para sa bansa. Ang gusto ko sa mga anak ko, ang laki ng pagmamahal nila sa bayan,” sabi niya.

"Sa edad na 84, inihayag din ni Imelda na wala pa siyang balak na mag-retiro.

“Sayang naman yung konti kong karanasan lalo na sa pagtulong sa bayan. Alam mo naman ang potensyal ng gobyerno kung talagang seryoso ka tumulong sa kapwa mo,” pahayag ng dating unang ginang.

"Samantala, nilinaw naman ni Bongbong na wala pang kasiguruhan ang pagtakbo niya bilang pangulo sa 2016 kahit pa ganon na lamang ang pagsuporta ng kanyang ina.

“Noong bata ako, ayoko pumasok sa pulitika. Talagang umiiwas ako. Sabi ko, bakit ako magpupulitiko kung naging presidente na ang tatay ko? Saka hindi naman pangkaraniwan ang maging pangulo. So, umiiwas ako sa ganun noon,” kwento ni Bongbong.

"Sasagutin din ng Senador ang ilang tanong patungkol sa walang-kupas na isyu tungkol sa diumano’y mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos."

Ang Tapatan ni Tunying (TNT) episode na ito ay mapapanood ngayong Huwebes (Setyembre 12), 4:15 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN