Gaby dela Merced hailed race champion; Riza Santos new HOH in PBB


Gabydela Merced (in photo) landed first place in the recently concluded SubicInternational Raceway. During the race, Gaby and her crew encounteredengine trouble and battery failure but she still managed to defeat Dennis Uy, 2005Philippine Touring Car Class "B" Champ, and 2004 Driver of the YearLouis Ramirez.



Kahitnasa loob ng bahay ni Kuya bilang isang celebrity housemate ay nagawa pa rin niGaby dela Merced na mag-champion sa Subic International Raceway noong Linggo, October 28.

Alamni Big Brother na lubhang mahalaga ang pangagarera para sa kanyang housemate natinaguriang Racing Goddess kaya kahit nakakulong sa loob ng bahay ay binigyanniya ito ng pagkakataon na makabalik uli sa race tracks kahit isang araw lang.Naka-blind fold si Gaby na lumabas ng PBB house. Pagdating niya sa race trackssaka lang tinanggal ang piring sa mata niya pero siniguro naman ni Big Brotherna limitado lang ang contact niya sa outside world at ang maari lang niyangkausapin ay ang kanyang chief engineer/engine turner na si Mr. Dominique Cuesta,at tungkol lang sa kotse at karera.

Hindi rin naman binigo ni Gaby si Big Brother. Naiuwi ngsexy race car driver ang tropeo bilang champion sa Subic International Racewaykahit nagkaroon ng problema ang kotse niya. Umusok ito habanghumaharurot sa kalagitnaan ng elimination rounds. Nang palitan ang makina nito ayayaw namang mag-start dahil sira ang baterya. Pero all's well that ends well,kaya nakarating din sa finish line ang racer at naging champion pa.

Malakingkarangalan ito para kay Gaby at kay Big Brother, lalo na't ang mga kalaban niyaay ang 2005 Philippine Touring Car Class "B" Champ na si Dennis Uy, at 2004Driver of the Year Luis Ramirez, na pareho niyang hinahangaan. Si Gaby angkaisa-isang babaeng nakipagkarera nang araw na iyon.

H.O.H.CHALLENGE. Subalithindi doon nagtatapos ang laban ni Gaby dahil nang sumunod na araw ay mulisiyang binigyan ni Kuya ng isang matinding challenge. Ito ay angpakikipagkarerahan sa mga housemates sa kauna-unahang H.O.H. Grand Prix saactivity area.

Hindi na ito ni kinaya ng champion ng karerahan, kasi banaman mga go-kart na pambata ang gamit nila! Ni hindi naka-qualify si Gaby parasa finals; siya pa ang lumabas na kulelat sa elimination round laban kay RubenGonzaga ng Davao at ang bokalistang si Mcoy Fundales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Safinal round, si Ruben, Will Devaughn, at Riza Santos ang naglalaban-laban.Inasahan kaya ni Big Brother na tatalunin ni military girl na beauty queen angisang hunk at isang komedyante? Walang kalaban-laban ang dalawang lalake. Hindikaya dahil sa na-rattle sila sa kaseksihan ng kanilang kalaban?

Sa ibang salita, ang Desirable Diva na si Riza ang nanalosa race. Dahil dito,siya ang tinanghal na Head of Household para sa linggong ito. Bilang HOH,anu-anong pribilehiyo kaya ang matatanggap ni Riza maliban sa mga pribilehiyongnamana niya sa unang HOH na si Ethel Booba?

At sa susunod na nomination night,sino kaya ang pipiliin ng magandang HOH na gawaran ng automatic nomination?Paano niya kaya pangungunahan ang mga housemates para wagi na naman sila sa kanilangweekly task na "Gising na Gising" kung saan 25 oras lang dapat angtulog nila sa buong linggo? Kailangan nilang manalo sa weekly task na ito dahiltinaya nila ang 100% ng kanilang budget para sa challenge na ito.

Abanganang mga susunod na kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya. Makibahagi sa buhay ngmga celebrity housemates gabi-gabi sa Pinoy Big Brother CelebrityEdition 2 sa Primetime Bida. Sumagap din ng mas maagang chika sa PBB Celebrity2 Uber tuwing 5:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN