Shaina Magdayao will shoot kissing scenes with Piolo Pascual in "Lobo"


Shaina Magdayao veers away from teenybopper roles by playing a 23-year old Philippine Military Academy graduate. She is slated to shoot kissing scenes with Piolo Pascual in the ABS-CBN fantaserye Lobo.


Isang ganap na dalaga na nga si Shaina Magdayao at patunay nito ang kissing scene niya with Piolo Pascual para sa fantaserye nilang Lobo. Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol dito nang ginanap ang kanyang solo birthday presscon mula sa Star Magic noong Biyernes, October 26, sa ABS-CBN compound, Q.C.

Biro sa kanya ng PEP, ang suwerte naman ni Piolo samantalang hindi naibigay ang chance na ito sa mga nali-link kay Shaina na sina Rayver Cruz at John Prats.

"Nakaka-tense din po, dahil alam naman ninyong crush ko talaga si Papa P (tawag niya kay Piolo), at dream-come-true talaga sa akin na makakatambal ko na siya," sabi ni Shaina. "Pero experiment daw po ito na ang role ko is that of a 23-year-old PMA [Philippine Military Academy] graduate, magkasama kami sa PMA, pero siya po ay sa police napunta, ako naman ay nakuha sa intelligence kaya hindi ako magsusuot ng uniform.

"Medyo pinatanda po ako sa make-up at sa mga clothes na isinusuot ko. Pero ang kilos ko po may pagka-boyish dahil nga mula ako sa PMA, pero may gusto po ako kay Papa P, at may mangyayari nga, iyon na po iyong kissing scene. Gusto raw po nilang ilayo naman ako sa mga teeny-bopper roles na ginagampanan ko at mas mature role na ang gawin ko. Kaya wala po akong ibang katambal dito, si Papa P lang."

Nakapagsimula na silang mag-taping ni Piolo pero ngayon daw ay nasa Canada ang aktor dahil may concert sila roon nina Sam Milby at Pokwang.

"Magkasalisi po ang schedule namin dahil pagbalik naman niya rito sa November 7, ako naman ang wala dahil one week nga akong magbabakasyon sa Japan. Kaya po binigyan na nila ako ng schedule, na pagdating ko rito sa November 12, diretso na agad ako sa taping," kuwento pa ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa bagong TV show, may dalawa rin siyang movies para sa upcoming Metro Manila Film Festival.

"Natapos na po namin ni Rayver ang Katas ng Saudi for Maverick Films under Tito Joey Reyes, na parang reunion ko po kay Ms. Lorna Tolentino dahil nagkasama na kami noon sa Kay Tagal Kitang Hinintay sa Channel 2. First time ko po namang nakasama si Senator Jinggoy Estrada.

"Happy rin ako nang malaman kong kasama ako sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment dahil ang tagal ko na pong gustong makasama ulit si Inay Marya [Maricel Soriano]. Bata-bata pa po ako nang magkasama kami sa Bida si Mister, Bida si Misis with Tito Cesar Montano. Si Tito Joel Lamangan naman ang direktor namin at iba ang role ko rito sa movie," pagwawakas ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN