Jean Garcia initially hesitant to accept hosting job for Love Hotline; she quips: "Di ba, ang dami kong palpak sa love?"

On that one love advice she often refers to, Jean Garcia says, "Siguro yung mahalin mo ang sarili mo. Respetuhin mo ang sarili mo at mahalin mo ang sarili mo."


Jean Garcia hosts new love advice show, Love Hotline, which will begin airing on September 23, 7 pm on GMA News TV.

Joining her is love expert Ali Gui, whom she fondly calls Ms. A. There will also be a guest male celebrity co-host to provide a male perspective.

Jean says about Love Hotline, “Actually hindi naman po talaga ako nagbibigay ng advice. Kung ano lang yung na-experience ko noon, dun ko lang din kino-connect.

“Kumbaga, ang love expert kasi sa 'min talaga dito si Ms. A talaga.

“So ako po, yun yung sa kin, as host nung show, kumbaga nagbibigay lang po ako ng mga experiences ko na pwede nilang kapulutan kahit papano ng aral.

“Pero siyempre, desisyon pa rin nila kung makikinig sila or bibigyan nila ng pansin yung sasabihin ko.

“Pero siguro yung sinasabi mo dun…marami na talaga kong relationship na dinaanan.”

The 43-year-old actress admits thinking twice when she was first offered to host the show.

“Actually medyo ano nga ako, e… ‘Dyusko! Hello, teka muna, love love pa yan. E, di ba, ang dami kong palpak sa love?’

“Sabi nila, ‘Yun nga, marami kang palpak sa love so marami silang matututunan sa 'yo!’

“Kasi akala ko dapat expert na expert ka, di ba. Pero hindi pala. So kumbaga, kaya kami merong love expert, si Ms. A, na pinag-aralan niya.

“Tapos ako naman siguro yung sa age ko, yung marami na kong experience din sa love. Kaya siguro binigay nila sa 'kin itong show. Kaya binigyan nila ko ng pagkakataon.”

Although Jean became known as an actress, she takes this recent foray into hosting as a welcome breather. She differentiates between the two:

“Sa pagiging actress kasi, well love ko talagang umarte, that’s one. Two, yan na talaga yung kinalakhan kong trabaho, di ba, ilang years ko nang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung talk show naman, ang pinaka-fulfillment ko diyan...yun bang nakakatulong ka kahit papano.

“Kasi yun yung konsepto nung show namin, na uuwi yung guest namin na kahit pa'no naiibsan yung sakit na nararamdaman, yung problema sa buhay, medyo nababawasan.

“So yun yung parang pinaka-fulfillment ko talaga, yung makatulong. Tapos, ibang-iba siya kasi hindi ka umaarte, totoo siya.

“Kunwari, naiiyak ako dun sa story, pag natatawa ko, natatawa talaga ko, minsan hindi ko kinakaya nagpapa-cut ako… Teka muna, hindi ko 'ata… Kailangan ko ng breather.

“So totoo siya, hindi siya fake-fake. Hindi siya make believe.”

Her previous hosting stint, Personalan, discussed such issues as relationship problems with family, lovers, and friends.

Comparing her last and current show, “Uhm, actually mas mahirap po, for me ha, ang Personalan.

“One, kasi mas mabigat yung mga problema nila. Eto po, puro kilig-kilig. Meron man pong…love and lost man siya, pero alam mong may pag-asa. Pwedeng mag-move on.

“At saka wala pong away na murahan o walang physical na sakitan. Eto more on conversation…Conversational siya, e. So para lang kayong nagkukwentuhan.

“Ang dating po nung show namin, parang nasa sala kami… Kunwari, ikaw, kaibigan ko, may problema ka dinalaw mo ko sa bahay.

“O, halika, papakainin kita kunwari ng cupcake or nang kung anuman, ‘Magmeryenda ka diyan. O dali, magkwento ka. Ano bang problema mo?’

“So parang ganun sa nagki-kwentuhan lang kayo. So magaan siya. Tapos pag nakakakilig, kikiligin ka din. Lalo na yung mga bagets, nakakakilig sila.”

What’s that one piece of love advice that she keeps getting back to? “Siguro yung mahalin mo ang sarili mo. Respetuhin mo ang sarili mo at mahalin mo ang sarili mo.

“Sa kin kasi maging open ka sa pagmamahal kasi yan ang pinaka-masarap na feeling, e, di ba. Ang mahalin ka at magmahal ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung hindi ka na rin kasi masaya at medyo parang, di ba minsan bulag tayo sa pagmamahal…

“Na minsan kahit na parang dumarating sa point na parang taken for granted ka na lang or binabastos ka na, minsan bulag tayo, hindi natin nakikita, di ba?

“So parang, wag naman, mahalin muna natin yung sarili natin. At mamahalin ka nung tao na mahal mo, kung nakikita niyang mahal mo rin ang sarili mo.”

Will they entertain homosexual love problems? “Of course! Alam mo naman ako. E, it doesn’t matter, pagmamahal pa rin po yun.

“Pare-pareho naman tayo ng puso, lalaki, babae, tomboy, bakla, matanda, bata. Iisa lang ang…pag nagmahal, pare-pareho lang yan, e.

“Iisa lang ang puso, e. iba-iba nga lang tayo ng pag-handle siguro ng relationship. Pero pare-pareho lang tayong nagmamahal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN