Battle of the Divas: Zsa Zsa Padilla and Kuh Ledesma

Zsa Zsa Padilla is part of ABs-CBN's Juan Dela Cruz while Kuh Ledesma stars in GMA-7's My Husband's Lover. What can you say about the acting of the Divine Diva and Pop Diva? Share your observations in the comments section.



Namamayagpag sa showbiz industry ang mga singers-turned-actors at sina Zsa Zsa Padilla at Kuh Ledesma ang ilan sa mga naging matagumpay sa transition na ito.


Ngayong 2013, ika-30th anniversary na ni Zsa Zsa sa music industry samantalang si Kuh ay 35 years na bilang isang mang-aawit.


One is known as the Divine Diva while the other is known as the Pop Diva. Longtime rivals ang dalawa sa pop music scene, lalo na noong 1980s.


Ngayon visible na rin si Kuh sa primetime, siyempre, hindi maiwasang pagkumparahin ang dalawa.


Mahigit 10 na ang pinagbidahan na teleserye ni Zsa Zsa samatalang tatlo naman ang mga TV shows kunsaan parte si Kuh.


Napapanood si Zsa Zsa sa ABS-CBN fantaserye na Juan Dela Cruz bilang asawa ng Hari ng mga Aswang. Bilang si Laura, ang asawa ng karakter ni Albert Martinez, naging kapansin-pansin ang pagiging matapang at palaban ang karakter ni Zsa Zsa.


Tumatak naman sa mga manonood si Kuh bilang Elaine, ang ina ni Vincent sa gay-themed teleserye ng GMA-7 na My Husband's Lover. Bilang ina ng karakter ni Tom Rodriguez, nakita ang pagmamalasakit ng karakter ni Kuh sa kanyang bading na anak.


Sino ang bet mo sa Battle of Divas na ito?

PEPsters, mag-iwan ng comment, now na!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN