Enchong Dee will take a break from primetime shows on ABS-CBN

Enchong Dee will take a break from acting in primetime shows. “Siguro naman masyado nang madamot kung parati na lang ako yung nakikita sa primetime," says the actor, who will soon do a movie with Star Cinema and Skylight Films.



Para kay Enchong Dee, ang Muling Buksan Ang Puso na pinagbibidahan nila nina Enrique Gil at Julia Montes ang pinakamagandang serye na nagawa niya so far.

“Sa Muling Buksan ang Puso, it gave a chance to portray a character na hindi ko pa nagagawa before,” sabi ni Enchong.

“Usually yung binibigay nilang character, which wala naman akong hesitation na gawin, is always a leading man, is always a partner of this leading lady.

“This time nakagawa ako ng isang character na dun naka-focus yung…nandun sa journey nung character yung focus, hindi dahil sa love story.

“I’m happy na nabigyan ako ng ganitong klase ng character.

“Kung tatanungin ako na hindi ba ako natatakot na ma-cast sa kontrabida, I don’t think so.

“Kasi kung ito ang isa sa mga dahilan kung bakit na-establish yung kung nasaan man ako ngayon, I don’t mind doing it over and over again.

“Basta alam ko magugustuhan ng tao kung bakit ginawa ko yung isang character.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Enchong kahapon, September 26 sa presscon ng Muling Buksan Ang Puso na ginanap sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Maipagmamalaki rin daw ni Enchong na nagagampanan niya nang maayos at buong husay ang kanyang character na si Leonel. Siya ay lumaki na akala niya ay kapatid niya si Sarah (played by Julia Montes) ngunit lumabas rin ang katotohanan na ang tunay niyang kapatid ay si Francis (played by Enrique Gil). Si Leonel at Francis naman ay parehong nagkagusto kay Sarah.

“Ngayon lang ako nakagawa ng isang teleserye na kapag umuuwi ako ng bahay, matutulog ako na nakangiti,” ani Enchong.

“Kasi alam ko maganda yung mga eksena na nagawa ko ng buong araw. Alam ko na nabigay ko sa director ko yung mga hinihingi ng eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya siguro yun yung isa sa mga bagay na kahit pagod na pagod ka, uuwi ka na may satisfaction, may fulfilment kasi alam mo na nagawa mo yung trabaho na maayos.”

Kasama sa Muling Buksan Ang Puso ang veteran actors na sina Cherie Gil at Christopher de Leon. Nai-intimidate ba siya o kinakabahan kapag nakakaeksena niya ang dalawang magagaling na artista?

“Yung mga first few years ko na nagtatrabaho, sabi ko, hindi sa akin nagwo-work, hindi ako nakakapag-perform ng maayos kapag nai-intimidate ako.

Kaya storycon pa lang namin, kinakausap ko na si Ms. Cherie, tapos unti-unti kong dyino-joke, unti-unti kong nakukuha yung loob niya.

“Kasi alam ko kapag na-intimidate ako sa kanya, hindi ko magagawa yung eksena na maayos.

“And same with Tito Boyet [Christopher’s monicker]. Yung first day pa lang na nag-taping siya sa amin, kinausap ko na agad siya. ‘Tito kamusta na?’ Kayo po ganito, ganito, sabi ko.

“’No Enchong, napapanood ko itong show ninyo. And I know what you’re doing.”

“Alam ninyo yung bini-break ko na agad yung ice. Kasi alam ko ‘pag hindi ko na-penetrate yun, magiging sablay yung mga performance ko.”

Ngayong nakatrabaho niya na sina Cherie at Christoper at marami na rin siyang nakatrabahong veteran actors sa ilang serye na nagawa niya, sino-sino pa ba sa mga beteranong artista ang gusto niyang makatrabaho?

“First si Joel Torre, never ko pa siyang nakatrabaho.

“Bembol Rocco, second. And third, si Amy Austria.

“Sisiguraduhin ko na kapag nakatrabaho ko sila, storycon pa lang, makikipag-close na ako agad sa kanila.

“Hihingi ako ng tips at advices kasi sila talaga yung mga alam mo yung tumagal sa showbiz at alam mo na everytime may project sila, binibigay nila ang the best nila.”

Pagkatapos ng Muling Buksan Ang Puso ay pahinga muna sa paggawa ng teleserye si Enchong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nung sinuma-total ko yung airing lang, hindi kasama yung taping, parang lagpas sa isang taon na nasa primetime ako.

“So I’m happy ang blessed.

“Siguro naman masyado nang madamot kung parati na lang ako yung nakikita sa primetime.

“Ang dami-dami nating artista ngayon, I think it’s about time na sila naman yung makita sa primetime.”

Kahit hindi muna mapapanood sa serye si Enchong ay mapapanood naman siya ulit sa pelikula. May gagawin siya mula sa Star Cinema at Skylight.

“Yun muna ang ipo-focus ko tapos saka na lang ako ulit gagawa ng serye.”

Kung sakaling sa susunod niyang serye na gagawin ay ang bestfriend naman ni Julia na si Kathryn Bernardo ang ibibigay na kapareha niya, okay lang ba sa kaniya kahit pa identified si Kathryn kay Daniel Padilla?

“Si Teen Queen [Kathryn], siguro okay din naman na makatrabaho ko siya.

“Excited na ako na makatanggap ng maraming hate tweets mula sa mga fans nila ni Daniel. Pero if it's a challenge, why not,” natatawang pagtatapos ni Enchong.

Ang Muling Buksan Ang Puso ay magtatapos na sa Oktubre 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN