Aga Muhlach visits Warner's Let’s Ask America studio lot in the United States

Aga Muhlach (wearing glasses) was able to meet Let’s Ask America host Kevin Pereira during his visit to the United States.


Kitang-kita na nag-e-enjoy si Aga Muhlach sa kanyang pamamalagi sa TV5 dahil dalawang shows ang kanyang ginagawa nang sabay.

Una na rito ang Pinoy Explorer at ang pangalawa ay ang game show na Let’s Ask Pilipinas na franchise ng U.S. game show na Let’s Ask America.

Sa naganap na trade launch ng TV5 para sa mga bagong primetime shows sa NBC Tent last October 2, nakapanayam namin si Aga hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha dahil sa sobrang kasayahan sa mga shows na binigay sa kanya.

“Oo, masaya tayo. Iba ang feeling natin ngayon. Mas alam mong may direksyon na ang lahat,” ani Aga.

“Wala naman tayong naging reklamo sa paglipat natin sa TV5. Lahat ng suporta ay binigay nila sa atin.

“Mas okay lang ngayon kasi may bagong presidente at mas maraming shows ngayon.”

Ang tinutukoy niya ang TV5 President na si Noel Lorenzana.

“Kita n’yo naman may Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Edu Manzano, Joey de Leon, Derek Ramsay, Paolo Bediones at ang dami pang mga bagong mukha na makikilala nila sa mga magagandang shows na kinonsepto ng TV5.

“Kaya if you see me happy kasi totoo ito—masayang-masaya talaga tayo ngayon.”



EXPLORING NEW YORK. Marami ang natuwa sa mga bagong episodes ng Pinoy Explorer kunsaan gumala si Aga sa tinaguriang “city that never sleeps” na New York City.

Mapapanood nga si Aga na sumasakay sa New York subway, namamasyal sa Times Square at nakikisalamuha sa mga New Yorkers na Pinoy.

“Hindi lang yung mga familiar places sa New York ang ipapakita namin tulad ng Empire State Building, Times Square, Central Park. Pinuntahan namin ang ibang mga hidden places sa New York na dinarayo ng maraming tourist.

“Ito yung mga tinatawag nilang mga ‘hole in the wall’ cafes na kakaunti lang ang nakakaalam at napakamura kumpara sa mga expensive restaurant sa Manhattan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron din kaming mga nakilalang mga artists in SoHo kunsaan nasa sidewalks lang sila at ‘yung iba nasa mga subway stations.

“Ako mismo namangha kasi ngayon ko lang napuntahan ang mga ‘yan. Kaya very informative and entertaining at the same time ang Pinoy Explorer ngayon.”

Naging special guest pa ni Aga sa kanyang New York adventure sila Sharon Cuneta, Derek Ramsay at Lea Salonga.



PHILIPPINE WONDERS. Sa mga susunod pang episodes ni Aga ay sa Pilipinas naman ang mga adventures niya at naging titulo nito ay “Undiscovered Philippine Wonders.”

Pupunta si Aga sa mga probinsya ng Romblon, Cagayan Valley at Isabela. May mga gagawing kakaibang extreme sports doon si Aga kasama ang kanyang guest explorers na sila Gretchen Ho ng Ateneo at Natasha Alquiroz ng La Salle.

Ipapakita sa episode na ito ang paboritong sport sa Romblon na skin diving at pupuntahan nila ang tinaguriang “Bermunda Triangle” ng Romblon.

Sa bawat probinsiya nga na puntahan ni Aga, may ginagawa rin siyang charity work.

“Makikipag-coordinate kami sa local government ng pupuntahan naming probinsya at magbibigay kami ng tulong sa mga bata roon.

“Bibisita kami sa ilang schools para magbigay ng school supplies, gamot, damit, pagkain. It’s our own little way of sharing our blessings with these kids.”



GAME SHOW MASTER. Sa Let’s Ask Pilipinas, first time na magiging isang game show master si Aga kaya kinakabahan ito.

Nagbiro pa nga si Aga na talo pa niya ang pagkabulol ng kaibigan niyang si Edu Manzano.

“Kung si Doods [Edu] ang numero unong bulol, ako ang pangalawa!” tawa pa niya.

“Aaminin ko, never akong naging magaling sa pagiging TV host. Noong araw, pasayawin mo na lang ako at pa-artehin, huwag mo na lang akong pasalitaan na may hawak na microphone dahil hindi mo ako maiintindihan magsalita.
“Pero dahil gusto ko rin naman masubukan ito at hindi parati si Doods ang binibigyan ng ganitong trabaho, inunahan ko na siya! Kaya akin na itong Let’s Ask Pilipinas!” tawa pa niya ulit.

Isang interactive game show ang Let’s Ask Pilipinas kunsaan ang mga contestants ay hindi na kailangan pumunta pa sa studio para maglaro.

Makakapaglaro sila in the comforts of their own environment.
“Via Skype ang pagsali sa Let’s Ask Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na nasa bedroom ka, nasa banyo ka, nasa school ka, opisina or kahit nasa labas ka kahit saan sa Pilipinas, basta may computer at Skype, you can play the game.

“Madali lang siya at entertaining. Madaling manalo kahit na nasa loob ka ng sarili mong bahay.”

Binisita pa ni Aga ang studio ng Let’s Ask America sa Warner Studio Lot sa U.S. para lang makita at mapanood niya kung paano mag-work ang naturang game show.

“I even met the host of Let’s Ask America na si Kevin Pereira. Natuwa nga siya noong malaman niya na ako ang Pinoy counterpart niya sa franchise ng game show.

“Very exciting itong show and I am glad na sinubukan ko ito. Ilang taon na nga ba tayo at parang takot pa rin akong sumubok ng ibang bagay?

“Noong unang inalok ito, umayaw ako. I know my limitations. Pero naisip ko rin na bakit naman hindi?

“I guess this is the time to try new things. It is never too late for change, ‘di ba?”


NO REGRETS. Tunay ngang naka-move on na si Aga sa kanyang failed attempt sa pagpasok sa politics.

Ngayon ay mas gusto na lang niyang tumulong ng kusa at hindi na niya inaasam ang anumang posisyon sa gobyerno.

“Wala naman tayong regrets sa ginawa natin noong election.

“I can say that I’ve learned a lot during that very short time. Maraming nangyari at marami tayong natutunan.

“Ayokong maging malungkot dahil diyan dahil hindi naman ‘yan ang kinabubuhay natin, e. Artista tayo at tuloy pa rin ang career natin.

“Kaya thankful ako sa TV5 dahil sa mga bagong nangyayari sa career natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN