Eula Valdes bares her acting technique for dramatic scenes



Si Eula Valdes ay hindi humuhugot ng emosyon mula sa tunay niyang karanasan sa buhay para sa mabibigat niyang eksena.

Ang ibang magagaling ding artista, mas nakaka-emote sila kapag inisip ang mga hindi magagandang pangyayari.

Pero kaiba si Eula dahil para sa mabibigat niyang eksena sa Kahit Nasaan Ka Man ng GMA-7, umiiwas na siya sa ganitong pag-arte.

Paliwanag ni Eula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Pero kasi, na-realize ko, kapag ginagamit mo yun, nagagasgas na.

“Na wala ka ng nakukuha, kasi parang pag tagal-tagal, naghi-heal ka na, e.

“Naghi-heal na yung sugat mo doon kung anuman yun.

“Ngayon, ang naaano ko, kapag binabasa ko yung script, kung ano yung nangyayari doon, iyon yung iniisip ko.

“Ganoon lang, wala na akong iniisip na ibang tao o ano.”

“Na salamat naman at ganoon na, kasi mahirap din yung may ginagamit ka sa past mo, e—nagagasgas, e.


ACTING MENTOR. Nag-umpisang pag-aralan ni Eula ang pag-arte sa pangangalaga sa kanya noon ni Direk Laurice Guillen.

Kuwento niya, “Dati, noong Laurice [Guillen] baby pa ako, ang turo niya sa akin, ‘Kakausapin mo yung sarili mo.’

“Nagwo-workshop ako sa kanya dati, noong bata-bata pa ako.

“Ang turo niya sa akin, siyempre hindi pa ako marunong noong kung ano ba talaga ang mga eksena, ganyan-ganyan.

“Tapos, ‘Inexperienced ka pa, kung sino yung nagpapalungkot sa iyo or kung saan ka makakahugot.’

“Kunyari, dati hindi ako close sa father ko, kasi noong ipinanganak ako, may sakit pa siya, e.

“Tapos, mainitin ang ulo niya, tapos, menopause baby pa ako, alam mo yun? Hindi kami close.

“So, alam mo yun? Kinakausap ko yung sarili ko, parang kinakausap ko siya, ganyan-ganyan.

“Tapos, hanggang maiyak na ako.

“Or, mag-iisip ka ng sad na insidente sa buhay mo.


ACTING TECHNIQUE. Bilang si Teresa sa Kapuso soap opera na Kahit Nasaan Ka Man, may eksenang namatay ang asawa at anak niya, pero walang inisip na kung ano si Eula.

Saad niya, “Wala! Tiningnan ko lang yung dalawang nakahiga doon sa [kabaong].

“Inisip ko lang kung ano ang feeling kapag nawalan ka ng asawa at anak.

“Kunwari, asawa at anak ko nga yung nakahiga doon, na hindi mo man lang nakausap, pagdating mo doon, dead na sila.

“Tinitingnan ko sila na nakahiga, meron na, e.

“Noong sinabing take na, nakita ko si Tita Tessie [Tomas] umiiyak na rin doon... parang, alam mo yun? ‘Game!’”

Si Miss Tessie Tomas naman ay gumaganap bilang ina niyang si Lola Corazon.

“Automatic kasi pag ‘Action!’ Pagdating mo doon parang... ‘Ha?’

“Yung nanlata ka agad, tapos, dire-diretso na, e, ganoon na, e.

“Iyon na yung nagwo-work sa akin, kung ano yung nangyayari, kung ano yung sitwasyon doon sa eksena, iyon na yung iniisip ko.”

Kahit masaya ang personal niyang buhay, nakakaya pa rin ni Eula ang umiyak nang todo sa madadramang mga eksena.

Aniya, “Kasi concentration, kailangan naka-focus ka, e.

“Dati noong noon pa, medyo nahihirapan ako pag masayang-masaya ako, tapos sinabing, ‘Iiyak ka dito,’ ganyan-ganyan.

“Parang, ‘E, masaya ako, e.’ Parang, ‘Ano ang iisipin ko?’ Ganyan-ganyan.

“Ngayon hindi na, siguro dala na rin ng edad, di ba?” sabay-tawa ng aktres.

Dagdag pa niya, “Ng experience, at tsaka, kasi ako, madali akong maapektuhan ng lahat ng nangyayari sa buong paligid ko—mga typhoon victims.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN