Madam Chairman star Sharon Cuneta is glad "TV5 is becoming more aggressive..."


Visible na naman sa telebisyon ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Bukod sa musical program nila ni Ogie Alcasid na The Mega and The Songwriter, malapit nang ipalabas ang kanyang “tawa-serye” na Madam Chairman. Parehong sa TV5 ang mga programang ito ni Sharon.

Nagpapasalamat ang Megastar sa positive feedback na natatanggap nila para sa The Megastar and the Songwriter.

“Thank you very much kasi I think, it shows na we’re very happy together, that we love what we’re doing and we love working together and we love our show.

“I think everything is falling into place na. TV5 is becoming more aggressive that their programming is so much better,” pahayag ni Sharon kasunod nang pagpapahayag naman niya ng kasiyahan sa pagiging trending sa social media ng musical variety show nila ni Ogie.

Tungkol naman sa kanyang upcoming TV show, ang Madam Chairman na isang comedy-based light drama project, ito ang pahayag ni Sharon: “Oh my God, dream come true! Kasi kilala ako sa drama.

“Pero yung mga kilala ako ever since talagang masayahin ako. Bibihira akong nakasimangot...talagang bungisngis ako. So, talagang sa lahi namin ata, yung kapatid ko, yung Mommy ko, yung Daddy ko marunong kaming magpatawa o kami lang yung nagtatawanan.

“So, parang ang sarap na may outlet at tamang-tama lang talaga. Saka it gets better every week yung Madam Chairman. Merong isang week na hindi mo aasahang tatawa ka. Tapos may moment naman na hindi mo ini-expect, iiyak ka, mata-touch ka.

“So sana abangan nila lalo na yung Madam Chairman kasi it’s daily, Monday to Friday. Tapos, Sunday kami naman ni Ogie iba naman ang makikita nila sa amin.

“So, Madam losyang-losyang tapos pagdating sa show [Mega and the Songwriter] singer uli. Sabi ko kulang na lang Sabado.”

Biro pa nito, “Wala bang Saturday mass?”

“Pero hindi na. Wala na akong paninga. Pati day off ko nakain na, working everyday.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN