Kapamilya stars, hosts face real-life challenges in I Dare You Season 2

(L-R) John Prats, Denniese Joaquin and Robi Domingo welcomed the media during their pocket press conference for I Dare You Season 2 held yesterday, October 8, at the ELJ Communication Tower in Quezon City.

Melai Cantiveros will also be seen in episodes of this "realiserye" that were shot last year, before her pregnancy.


Magkasanggang kakaharapin ng mga ABS-CBN stars at ng mga ordinaryong Pilipino ang mga “hamon ng totoong buhay” sa pagbubukas ng I Dare You Season 2.

Ang ABS-CBN show na ito na tinaguriang "realiserye" ay mapapanood na simula ngayong Sabado, October 12, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Makakasama ni Melai Cantiveros sina John Prats, Robi Domingo at Denniesse Joaquin na susubukin ang tatag ng mga “Celebrity Kakampi” at ng kanilang “Bidang Kapamilya.”


Nakapag-shooting si Melai ng episodes ng I Dare You Season 2 last year, bago pa siya mabuntis.

Kahapon, October 8, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembero ng online media ang mga hosts sa kanilang press conference na ginanap sa ABS-CBN Head Office sa Quezon City.

Kuwento ni John, “Mas nai-immerse kasi mga minimum namin one week naming makakasama. One week yung training, one week yung mga challenges na pagdadaanan nila.

“So, mas mahaba yung transition at immersion ng artista at mas nakakasama nila yung Bidang Kapamilya na tinutulungan nila. Nakikilala nila at nararanasan nila yung buhay nung tinutulungan nila.”

Bukod sa immersion, sa bawat challenge na naipapanalo ng mga celebrity guests at ng kanilang mga Bidang Kapamilya, isang magandang premyo ang nag-aantay para makatulong sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Bahagi naman ni Robi, “More than the challenges, ito yung show na masasabi kong may puso, e. May puso talaga siya.”

Dagdag pa ng Kapamilya host, “Kung ano man yung mapagtagumpayan, yun yung makakatulong sa Bidang Kapamilya na makapag-expand at makapagbigay pa siya ng tulong.

“Dati kasi, nagbibigay sila ng mga sapatos, nagbibigay sila ng mga tsinelas, nagbibigay sila ng mga damit. Ngayon, mas long term yung gusto namin ibigay sa kanila.

“Bibigyan namin sila ng training para mas matagal pa yung mapakinabangan nila.”

Ipinagmalaki rin ni Denniesse na ang lahat ng Celebrity Kakampi na kanilang naiimbitahan ay buong pusong ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya upang manalo sa mga hamong hinarap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng dating housemate, “Iniisip nung mga Celebrity Kakampi na hindi lang namin ‘to gagawin para lang makaraos lang yung show.

“Ginagawa namin to dahil nararamdaman namin na kailangan nung Bidang Kapamilya, e. Na makakatulong ‘to sa buhay nung Bida Kapamilya.”

Ayon pa kay John, isa sa pinakamahirap na parte ng programa ay ang pagtatapos ng immersion ng mga Celebrity Kakapmi. Ito ay dahil masyadong na-aattach daw ang mga artista sa mga tinutulungan nilang mga Kapamilya.

Ani John, “Naa-attach sila kasi almost everyday mong kasama, nakakausap mo, nagshe-share isla ng problema.”

MILITARY TRAINING. Para sa season 2 ng kanilang programa, sumabak sa matinding military training si John Prats kasama ang Kapamilya star na si Jewel Mische upang tulungan ang mga mamamayan ng Barangay Masantol, Pampanga.

Ito rin ang matutunghayan ng kanilang manonood sa first episode ng I Dare You 2. Ayon kay John, ito na ang pinakamahirap na ginawa niya para sa programa.

“Sinabi ko rin na parang ngayon lang ako nakaramdam na dalawang beses akong nag-suka dahil lang sa training, kuwento ni John.

“Kasi talagang push… iba pala yung conditioning, iba yung kasi pag nagbubuhat ka, akala mo mahirap na. Pero iba yung transition nila na talagang they will not stop. Talagang gagawin mo nang gagawin kahit paulit ng paulit hanggat hindi mo ma-reach yung limit mo.

“And sabi ko, ‘ano bang point nito?’ Kasi nga naman, pag nasa giyera yung training na yan yung tutulong sa ‘yo kaya sabi ko, sabi ko ito yung pinaka mahirap.

“The army talaga is the hardest for me, second na lang yung mga flying.”

Hindi rin napigilan ng personal assistant ng Kapamilya star na maging emosyunal habang nakikita ang kanyang alaga na sumabak sa mabigat na military training.

Ayon kay John, “Yung PA [personal assistant] ko umiyak.”

Natatawang kinuwento naman ni Robi, “Sabi niya, ‘hindi ko pinagbubuhat ng mga bag yan tapos dito gaganunin niyo siya.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Denniesse, “‘Hindi ko nga hinahayaang mapawisan ‘yan, e.’ ganun pa yung sinasabi nung PA niya.”

Ayon pa kay Robi, tila dinaig daw ng kanyang PA ang girlfriend ni John na si Isabel Oli sa sobrang pag-aalala nito sa aktor.

Samantala, hindi naman daw pumasok sa isip ni John ang awa sa sarili habang ginagawa ang mabigat na military challenge.

Ani John, “Ako kasi, while doing it, hindi naman ako naawa sa sarili ko, pagod lang ako.”

Nahirapan man sa challenges na kaniyang hinarap, ikinatuwa naman ni John ang magandang reqard na nakuha nila para sa kanilang Bidang Kapamilya: “Sobrang experience siya and ang ganda nung reward, e. Ang ganda nung reward na nakuha namin.”


FIRE BRIGADE. Matapos ang Pinoy Big BrotherUnlimited kung saan napabilang si Denniesse bilang isang housemate, agad siyang sumabak sa hosting kasama ang mga dati na ring housemates ng PBB.

“Sobrang na-shock ako e. Kasi ito po talaga yung first project ko,” kuwento ni Denniesse sa PEP.

“Hindi lang ito yung unang umere pero ito po talaga.”

Unang napanood sa teleseryeng Kahit Konting Pagtingin at Pintada si Denniesse kahit na ang I Dare You ang unang project na binigay sa kanya.Dahil dito, sobrang laking pasasalamat ni Denniesse sa binigay na tiwala sa kaniya ng production staff upang mapabilang sa mga host ng programa.

Ani Denniesse, “Para i-level agad at i-set agad yung standards na ganun kataas, parang sobrang thank you naman sa tiwala.”

“Thank you dahil naniwala kayong kaya kong ibigay yung same or ibigay yung output na binibigay din nila Robi, nila Kuya John at Ate Melai.”

“Kasi, this is just a big honor and napakalaking project po na ito for me. To think, wala pa akong one year sa industry. Wala po akong experience at all, hindi naman po ako nag-workshop for I Dare You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So parang ako, sobrang thank you talaga sa tiwala na binigay nila sa akin.”

Samantala, sumabak naman si Denniesse sa pagiging isang bumbero sa episode kung saan siya naman ang naging Celebrity Kakampi. Aminado nsi Denniese na hindi biro ang mga hamon na kaniyang hinarap pa sa kanyang Bidang Kapamilya.

Paliwanag ni Denniesse, “Kasi, training palang ng pagiging bumbero, mahirap pala. 'Di ba naka-suit po ako na pang fire fighter, ang bigat niya.”

Kakaibang training din daw ang ipinagawa sa kaniya dahil nasubukan din ang kanyang galing sa basketball at ang talas ng isip sa pag-compute ng mathematical equations.

Ani Denniesse, “Tapos pinag-babasketball ako. Magshu-shoot daw ako ng mga bola tapos after mag-shoot ng bola, magma-math ako.

“Tapos sabi ko, ‘kailangan ba talaga yung ganitong training sa firefighter?’”

Bukod dito, isa raw sa pinakamahirap na kinaharap niya ay ang kanyang fear of heights. Umakyat kasi sa isa 8th floor ng isang building si Denniesse kung saan kailangan niyang mag-rapelling pababa ng building.

Kuwento ng ex-PBB housemate, “Ang hirap sa akin na i-let go yung katawan ko na tatalon ako ng building. Alam ko naman na may harness ako pero siyempre pag kinakatakutan mo yun, mahirap talaga.”


LIBERATING EXPERIENCE. Isang Aeta community naman sa Zambales ang napiling maging Bidang Kapamilya sa episode kung saan si Robi Domingo naman ang nabiyagang maging Celebrity Kakampi.

Ayon kay Robi, ito rin ang isa sa pinakamahirap na pinagawa sa kanya parasa programa dahil pinag-suot siya ng bahag ng mga katutubong Aeta.

Kuwento ng The Voice host, “Sinabi sa amin, ‘magbahag ka.’ Tapos sabi ko, ‘ngayon na?’

“Tapos yung sinabi pa sa amin nung matanda, ‘pag di ka nagbahag, hindi mo kami nirerespeto.’ E, pa’no naman yung reaksiyon mo dun. Sabi ko, ‘pa’ano po ba ‘to?’

“Bahag, bahag talaga tapos tanggal lahat! Yun pala yung feeling nung, freedom at its finest.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, agad daw siyang pinasayaw ng mga tribal dance ngunit hindi naman nagpadaig ang Kapamilya star dahil napapanood din siyang sumasayaw sa ASAP tuwing linggo.

Bahagi pa ni Robi, “Right after that, pinasayaw po kami. Pinasayawa po kami dun… mga tribal dance tapos ang sabi nila may dare pa raw na modern dance.

“Sila yung mga ibon, mga crocodile [dance]. Akin, douggie. Yun yung pinakita ko.”

Aminado si Robi na nahiya siya habang naka-bahag dahil hindi daw ganun kaganda ang katawan niya.

“Yung katawan ko pa naman during those moments, hanggang ngayon naman, hindi naman ako pang-Cosmo talaga, e. Pang-Candy Cutie yung katawan ko.

“Hiyang-hiya talaga ako siyempre. Yung mga Aeta dun talagang batak tsaka may mga abs, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN