Does Lorna Tolentino want to enter politics someday?



Malaking challenge para kay Lorna Toletino ang kanyang role sa GMA-7 primetime series na Genesis na mapapanood simula October 14. Sa kauna-unahang pagkakataon, gaganap siya bilang Presidente ng bansa.

Sa direksiyon nina Mark Reyes at Joyce Bernal, tampok rin sa Genesis sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad, Jackie Lou Blanco at marami pang Kapuso stars.


(READ: Dingdong Dantes, Rhian Ramos and Lorna Tolentino struggle to survive in sci-fi drama Genesis)

“Sa story, anak ako ng Vice President portrayed by Robert Arevalo,” kuwento nga ni Lorna nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ballroom ng Sequoia Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“Ang Presidente no’n, si Jackie Lou Blanco as Ramona Escalabre. And then nalaman ng mga tao na siya pala ang nagpapatay sa tatay ko.

“’Yong mga tao, ang gusto nila tumakbo ako. At no’ng tumakbo ako, nanalo ako. Natalo siya.”

Sino ang naging peg niya sa kanyang role bilang Pangulo ng Pilipinas?

“Actually lahat ng naging Presidente. Lahat kasi mapi-peg mo, e. Hindi ‘yong isa lang.

“Kasi minsan kapag binabasa mo naman ‘yong script, sa script pa lang magkakaroon ka na ng visualization kung paano mo ia-attack.

“Kasi nakikita mo naman sa dialogue pa lang. Kaya lang, ang hirap dito kasi iyakin akong Presidente.

“Minsan parang… baki ako iiyak dito, e, nagsasalita ka lang? Pero kailangang iiyak ka.

“Do’n sa sasabihin ko, naghahanap na lang ako kung sa ako tatamaan do’n sa puso. Para maiyak ako talaga sa eksena.”

Sa pagganap niya ngayon bilang Presidente, magkainteres kaya siya na sa totoong buhay ay sumabak na rin sa politika?

“Ay, hindi!” nangiting mabilis na sagot ni Lorna.

“Okay na sa akin na kaibigan kong lahat ang mga pulitiko!” sabay tawa niya. “Pero hindi ako puwedeng maging pulitiko.

“Mas magiging farmer pa ako!” aniya pa dahil kapag free time niya ay madalas daw siyang bumisita sa kanyang farm sa Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming beses nang nanalo ng award si Lorna. May panahong naka-Grandslam pa nga siya. At bilang multi-awarded actress, kapag may bago siyang ginagawang project, kadalasan ay mataas ang expectation ng viewers sa ibibigay na performance niya.

Dito sa Genesis, ano ang mga aabangang muling makapagpapalutang ng husay niya bilang dramatic actress?

“Ang napakabigat, siyempre may mga dialogues na hindi ka naman gano’n ka-familiar kasi… government, e. Politika ito, e. Hindi naman ako nasabak talaga do’n.

“Meron akong mga kaibigan from politics na siyempre naririnig mo naman lahat. At kahit papano, meron ka ring knowledge tungkol sa nangyayari sa buong past ng buhay ko mula no’ng kung sinong Presidente ang kinagisnan ko hanggang sa ngayon, di ba?

“Meron din akong knowledge naman about that. Pero ‘yong… talagang meron ka pa palang Chief of Staff, tapos ‘yong mga protocols sa pagiging isang Presidente.

“And then ‘yong tamang pagsaludo. Nagtanong talaga ako sa mga military.

“’Yong paglakad naman, kasi nasa damit mo na ‘yon, e. Kailangan kasi talaga kapag Presidente, ‘yong structured na parang naka-Amerikana.

“At ‘yong production, they provided for it. Kasi hindi naman ako mahilig sa mga suits talaga.

“Mas mabigat itong role ko sa Genesis talaga kesa do’n sa ginawa ko sa Pahiram Ng Sandali.

“Kasi ‘yong Pahiram… is a family drama. Ito, buong Pilipinas ang hinahawakan mo.

"Parang end-of-the-world ang tema ng story ng Genesis. May mga asteroids na bumagsak kaya kinailangan ang Operation Genesis na pamumunuan ng character ni Dingdong para iligtas ang mga tao.”

Hindi kaya matakot naman dito ang viewers? Baka masyadong mabigat ito para panoorin lalo na sa panahon ngayon na kailangang ma-uplift pang lalo ang spirits ng mga Pinoy?

“Maa-uplift naman ang sipirits nila. Kasi may solusyon naman, e.

“Parang mas mabubuksan ang isip nila kung papano nga. Kung anong gagawin mo kung sakali na mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sa totoo lang, nakikita naman natin ang mga disasters na nangyayari sa atin ngayon, e. Lahat ‘yon, dadaanan din ng story nitong Genesis.

“Maganda ‘yong story. At saka ‘yong effects kasi… mahirap gawin.

“Maraming nangyari. ‘Yon lang mga asteroids na bumagsak tapos meron din kaming tsunami. Ang dami.

“Pati ‘yong pagbuka ng lupa. Na nangyari nga lately. No’ng papunta kami sa taping sa Subic, hindi na madaanan ‘yong SCTEX [Subic-Clark-Tarlac Expressway] kasi may nangyaring gano’n.

“Masasabi ko na panibagong tema itong Genesis. Di ba, nasasanay na tayo sa mga family drama? Ito at least… iba.

“Mai-involve lahat. Pamilya mo. Kaibigan mo. Lahat na. Lahat ng tao… involved.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN