Ritz Azul feels nervous about being Alice Dixson's rival in primetime show


Sa lahat ng roles na nagampanan ni Ritz Azul, pinaka-mature na raw ang role niya para sa TV5 primetime show na For Love Or Money. Paano niya pinaghandaan ito?

“Yung Misibis Bay, medyo mature siya. Pero ito, mas mature, kasi may asawa nga ako.

“Bago nag-start yung taping ng For Love Or Money, nag-workshop ako with Ms. Ana Feleo.

“And kapag wala kaming taping, nagwu-workshop din ako with her.

“So, yun ang preparations na ginagawa namin.

“Talagang tinutulungan ako ng TV5 na magawa ko nang mabuti yung role.

“Ako, feeling blessed ako kasi madalang lang yung nagkakaroon ng ganitong chance… na mabigyan ang isang artista ng chance na maipakita na kaya niyang mag-tweetums, kaya niyang mag-mature.

“Kaya sobrang blessed ako and, aside from that, may mga nagbabantay sa akin sa set… ang daming nagbabantay sa akin sa set, hindi lang sa physical pati na rin sa acting.”

ALICE DIXSON. Bukod sa leading man niya na si Derek Ramsay, kasama rin ni Ritz sa show si Alice Dixson.

Sa presscon ay lubos ang papuring sinabi ni Alice tungkol kay Ritz. Bilib daw siya sa pagiging hardworking, professional, at magaling ng young actress sa batang edad nito.

Hiningan naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz ng reaksiyon sa mga papuri ni Alice sa kanya.

Pangalawang pagsasama na nila ito na nagsimula sa dating Kapatid teleserye na Glamorosa.

Ayon kay Ritz, “Sobrang na-overwhelm naman ako doon, Miss A [Alice]. Thank you, thank you.

“Noon nagkatrabaho kami ni Miss A, nanay-nanayan ko siya sa Glamorosa.

“And noon, sobrang feeling ko, ‘Wow, nakatrabaho ko si Miss A.’ Ang saya ko na noon na naging nanay-nanayan ko siya.

“Ngayon, parang magkakaaway kami. Kaagaw ko siya, karibal ko siya [kay Derek]. Parang kinabahan ako lalo.

“Siyempre, hindi rin maiiwasan, feeling ko magkakaroon kami ng sampalan, ng sabunutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang una kong naisip nung sinabi na magiging karibal ko siya.

“Pero with Miss A, nagkaroon kami ng scene na medyo nahirapan ako sa character ko, kasi medyo naninibago pa ako.

“Pero tinutulungan ako nina Direk Mac [Alejandre]. Doon ako nagpapasalamat kina Direk Mac na lahat sinabi niya kung paano atakihin.

“Napaka-open minded ni Direk Mac and alagang-alaga ako sa set, sa acting, sa itsura.

“Kung nakita n’yo, ang ganda-ganda namin, wala kaming pangit na anggulo.

“And with Miss A, sobrang supportive niya sa akin.

“Di ba, naririnig natin dati, may mga nagkakapersonalan?

“Pero sa kanya, feeling ko, wala.

“Sobrang tinutulungan niya pa ako, tulad noong isang scene na hinawakan niya pa ako sa dibdib para ma-feel ko yung eksena.

“So, blessed ako sa lahat ng mga kasama ko sa trabaho, and I’m so excited na maipalabas na ito sa TV.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN