Robi Domingo as a host: "Mas gusto kong mag-connect sa mga tao at mas malaman pa yung istorya nila.”



Sa I Dare You Season 1 ng ABS-CBN ay sina Jericho Rosales, Iya Villania at Melai Cantiveros ang mga naging host ng naturang "reali-serye" na ito. Pero sa bagong season nito ay hindi na makakasama bilang host sina Jericho at Iya. Si Melai lang ang na-retain dito. Ang bagong magiging co-hosts ni Melai ay ay sina John Prats, Deniesse Aguilar na produkto ng Pinoy Big Brother: Unlimited at si Robi Domingo na alumnus naman ng PBB Teen Edition Plus.

Sususubukin ng I Dare You Season 2 ang lakas at tibay ng damayan ng mga magkakasanggang "Celebrity Kakampi" at "Bidang Kapamilya" sa kanilang pamumuhay at pagsuong sa mga pagsubok ng magkakasama.

Mapapanood ito sa ABS-CBN simula ngayong Sabado, October 12.

(Ano ang mga pagsubok sa I Dare You Season 2? Alamin dito: Kapamilya stars, hosts face real-life challenges in I Dare You Season 2)

Ang mga Bidang Kapamilya ay mga karaniwang Pilipinong araw-araw na hindi inuurungan ang mga totoong hamon ng buhay, gaya ng mga bumbero, sports coach, magsasaka, atleta, sundalo, traffic aide, guro at iba pa. Sila ang mga tinaguriang "unsung heroes" na walang sawang kumikilos at kumakayod para makatulong sa iba.

Kung ang Season 1 ay nakatuon sa mga pagsubok na kailangang malampasan ng celebrities upang manalo ng premyo para sa Bidang Kapamilya, nakasentro naman ang Season 2 sa pagbabagong sabay nna haharapin ng dalawa para sa kanilang sarili, pamilya at komunidad.

Sa presscon ng I Dare You Season 2 ay nagbigay ng karagdagang impormasyon si Robi kung ano ang kaibahan at maasahan ng televiewers sa bagong season nito.

“Etong I Dare You na ito, hindi kami nagbibigay ng hamon just for the sake of it,” paliwanag ni Robi.

“Hindi namin inilalagay yung mga contestants or mga Celebrity Kakampi namin sa kabaong. Hindi namin sila pasasayawin ng ganoon-ganoon lang.

“Itong I Dare You Season 2, hindi lang isang araw itong pinagdaraanan ng mga contestants or Bida Kapamilya at Celebrity Kakampi, dadaan sila sa isang immersion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tatagal itong proseso na ito para ihanda ang sarili nila sa bawat hamon ng pagbabago,” paliwanag pa ng dating Pinoy Big Brother housemate.

Dahil ang I Dare You ay tungkol sa mga challenges, paano naman hinaharap ni Robi ang mga hamon ng buhay na dumarating sa kanya?

“Yung mga pagsubok na tinatawag natin, hindi ko ‘yan iniisip o tinitingnan bilang pagsubok kundi isang blessing.

“Blessing para magawa ko yung lahat ng bagay sa abot ng aking makakaya para ayun, mangahas na hamunin siya na lumawak pa ang aking karunungan.”

Ano ba ang pinakamabigat na hamon ng buhay na na-encounter niya na?

“Si Doc, yung papa ko, nagkaroon siya ng congenital heart disease. Kinakailangang operahan.

“Alam ninyo yung kundisyon sa puso, kailangang vitamins lang.

“Yun pala kailangan nang buksan.

“Hindi namin alam na anytime puwede na pala siyang mawala.

“That was 2006, bago pa man ako mag-PBB [Pinoy Big Brother].

“Konting araw na lang daw, e, mawawala na sa piling namin si Papa.

“Pero yung pagkakataon na yun, na-overcome ko.

“Kasi kailangan lang pala talagang manalig sa Diyos.

“May plano Siya para sa ‘yo. At kailangan mo lang magtiwala.”

Kamakailan ay nanakawan si Robi. Dumalo siya sa birthday party ng kanyang handler sa Star Magic na si Luz Bagalacsa.

Nung pauwi na siya ay natuklasan niya na binasag ng magnanakaw ang salamin ng kaniyang sakakyan na Toyota Fortuner sa right side ng passenger seat. Kinuha ang kaniyang mga mahahalaga at mamahaling ma gamit.

Sa ginawang pagnakaw sa kaniya, ano ang challenge sa nangyaring ito sa kaniya?

“Siguro more than ibalik yung mga nawala saka hulihin yung magnanakaw, e, natutunan kong mag-let go.

“Saka isipin na sana yung mga gamit na kinuha nung magnanakaw na yun, e, magamit niya sa tamang pamamaraan. Yun na lang.

“I have good words for the one who have stolen everything, yung mga gadgets ko, even yung make-up kit ko, yung access I.D. ko, lahat, kontrata ko, schedules ko nandoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana yung mga value nun, magawa niya para sa tama.”

Napanood si Robi kamakailan bilang isa sa hosts ng katatapos lang na The Voice of The Philippines. Ngayon sa bago niyang show sa Kapamilya network ay isa ulit siyang host. Hindi ba niya nami-miss ang umarte?

Ang huling serye na ginawa ni Robi ay yung Kahit Puso'y Masugatan na pinagbidahan nina Iza Calzado, Jake Cuenca at Gabby Concepcion. May scenes siya rito na nag-topless siya.

"Mas nakikita ko yung sarili ko sa pagsasalita, hosting rather than acting.
“Hindi ko sinasabi na isinasara ko yung pintuan ko sa acting. Pero feeling ko mas gusto kong mag-host.

"Mas gusto kong mag-connect sa mga tao at mas malaman pa yung istorya nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN