Rhian Ramos: "When you’re inside an abusive relationship, may isang point kasi na mapi-feel mo na kailangan ko na talagang iwanan ang tao na ito."


Unang nakapareha ni Rhian Ramos si Dingdong Dantes sa Pinoy remake ng Korean drama series na Stairway To Heaven (2009). Ngayong 2013, muli ay magkasama sila sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Genesis kunsaan tampok din sina Lorna Tolentino, Jackie Lou Blanco, TJ Trinidad at iba pang Kapuso stars.

“It feels great na napasama ako sa cast nitong Genesis,” nakangiting bungad ni Rhian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, October 8, sa Sequoia Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

“Medyo na-miss ko ‘yong mga dramatic scenes and everything. Sa Indio kasi, ‘yong character ko… parang hindi siya ‘yong character na ang dami-daming sides.

“Wherein in this project, parang it’s so nice to be inside of a scene with an actor na alam mong he really knows what he’s doing,” pagtukoy pa niya sa leading man niyang si Dingdong.

“And working with him for the second time, parang wala pa ring nagbago. Kasi ano… although matagal ko na siyang hindi nakatrabaho, parang wala namang time na nag-pass.”

Dati no’ng naging magkapareha sila ni Dingdong sa Stairway To Heaven, nagkaroon ng intriga sa pagitan nila ng girlfriend ng aktor na si Marian Rivera. Ito’y dahil na rin sa isyung pinagselosan daw siya ng Kapuso Primetime Queen.

Ngayon, parang smooth-sailing na ang itinakbo ng pakikipagtrabaho niya kay sa aktor dahil wala nang anumang naging isyu sa muling pagtatambal nila.

“Lagi namang smooth-sailing, e,” nangiting sabi na lang ni Rhian.

May mga kissing scenes sila ni Dingdong. Hindi ba siya na-tense no’ng kinunan iyon na baka maintriga na naman sila o magkaroon ng isyu na meron magri-react o magagalit?

“Hindi naman. Kasi parang… I don’t know. I just treat it as any other scene.”

Sa trailer ng Genesis, may mga ipinakitang mabibigat na eksena ni Rhian. Base roon, parang mas may lalim na ngayon ang acting niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talaga?” sabay tawa niya.

“Baka kaya na-highlight lang nila! Hahaha!

“Hindi… ewan ko.

“We… hindi naman always. Pero most of the time, meron kaming acting coach na present.

“And of course, ‘yong mga directors naming sina Direk Joyce [Bernal] and Direk Mark [Reyes]… they help.

“And then, I think also mas madali para sa akin na umarte kasi laging magagaling ‘yong mga kaeksena ko. Kasi everyone in the cast… bigay-todo rin.”

Dagdag-pressure na dalawang magaling na director ang katrabaho nila sa Genesis?

“Actually hindi nga siya dagdag-pressure, e. Parang may napapadali nga ‘yong job ko kasi parang may kanya-kanya rin silang mga forte.

“And then parang they help to put together the balance to the show. Na kailangan medyo heavy siya on special effects pero drama pa rin.

“Tapos… sci-fi pero love story. Ayon!

“I would say ‘yong mga malalaking scenes na ang dami-daming nangyayari like big events.

“At saka anything that you would put special effects into… like ‘yong nagpa-Flower Festival kami sa Baguio tapos may mga bumabagasak na asteroids, gan’on… that’s Direk Mark’s forte.

“And then ‘yong mga… for example ‘yong mga ginaawa naming wedding tapos biglang kukunin nila sa akin si Isaak [character ni Dingdong], ‘yong mga gano’ng klaseng dramatic scene… kay Direk Joyce naman.”



ABUSED WIFE IN GENESIS. Para sa kanya, ano ang pinakamahirap na eksena na nakunan niya, so far?

“Kasi si Racquel [pangalan ng kanyang character], nasa loob siya ng isang abusive relationship,” pagtukoy niya sa karakter niya na napilitang magpakasal sa character ni TJ Trinidad na sa kalaunan ay magiging mapang-abusong asawa pala.

“And… uhm, naiintindihan ko ‘yong side of her na parang you know, she has to stay in it for so long. Gano’n.

“Kaso lang, when you’re inside an abusive relationship, may isang point kasi na mapi-feel mo na kailangan ko na talagang iwanan ang tao na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero you feel that over and over again. Na parang…'Ay, iiwanan ko na talaga siya.'

“And then he wins you over again. Tapos… 'Ay hindi, ayoko na talaga.'

“Parang gano’n… battle siya. And you decide that over and over again.

“So parang I was having a hard time no’ng simula. Kasi parang kapag binabasa ko ‘yong script, para sa akin personally… nando’n na ‘yong point na ‘yon na kailangan mo nang iwanan ‘yan.

“I mean… speaking from experience!” sabay tawa ulit niya.

“Parang alam mo. Papasok ‘yon so often, e.

“Even if hindi natutuloy. At least you would tell yourself… okay, iiwanan ko na ‘to.

“And then magpa-pack ka ng things. Tapos you will realize… okay, unpack muna ako ulit. Parang gano’n.”

Parang nakaka-relate siya sa gano’n. May pinagdaanan din ba siyang gano’n sa totoong buhay?

“Well, I really have no things to pack!” tawa na naman niya. “Because I never moved in!

“Pero… I know what it’s like to be on an… on-again, off-again relationship.”

Na-experience rin ba niya ‘yong abusive na relationship?

“Ah…” speechless si Rhian na tila sandaling nag-iisip ng isasagot.

“Well… that gets me at a loss!” natawa ulit siya.

“I just keep that to myself!” sabay halakhak na lang muli ang aktres.

Kapuna-puna na mas fresh at blooming pang lalo ang kanyang aura ngayon. Bakit nga ba?

“I don’t know. I’m just always excited. I’m always happy.

“Always full of life. Parang I just wanna… I don’t know. Parang wherever I am and doing that day, I’m just happy to be there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN