Toni Gonzaga: "Sana kapag naging asawa at nanay na rin ako, parang si Ate Charlene [Gonzalez]."

For the last time, Toni Gonzaga (left) and Charlene Gonzalez (right) were seen as hosts of The Buzz last Sunday, October 13. On October 20, Boy Abunda (middle) will be part of the reformatted showbiz talk show called Buzz ng Bayan.


Noong Linggo, sa October 13 episode ng The Buzz ay binigyan ng mini-tribute ang dalawang naging co-hosts ni Boy Abunda na sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzalez bilang huling beses na mapapanood sila sa Sunday talk show ng ABS-CBN.

Sa loob ng labing-limang taon ng The Buzz, sa huling tatlong taon ng programa ay sina Toni at Charlene ang nakasanayanan ng mga manonood tuwing hapon ng Linggo. Pero, sa pagre-reformat ng programa, namaalam na sina Toni at Charlene.

Sa halip, sina Janice de Belen at Carmina Villarroel na mga dating hosts ng S.I.R. (Showbiz Inside Report) naman ang mga makakasama ni Boy sa The Buzz simula ngayong Linggo.

Ayon kay Boy, “My friendship with you [Toni] and Charlene will always be bigger than this show.”

Sabi naman ni Charlene, “Yes, mamimiss ko ang mga usapan natin backstage.”

Dugtong naman ni Toni, “Ang totoong The Buzz po, nagaganap, backstage.”

Seryosong pahayag naman ni Charlene, “But really, I just want to say thank you. The Buzz family, sa lahat ng bumubuo ng The Buzz. Thank you for this wonderful journey and it’s such a privilege and honor to be able to share the stage with two of the greatest artists in the industry.

“Toni Gonzaga and Boy Abunda ang isang reason din kung bakit ko tinanggap ang show na ito is to be able to work with greats like the both of you.

“At katulad ng sinabi mo, one of the best thing that I received from this show was the friendship with you, Boy, and the friendship with you, Toni. At sa lahat ng pamilya natin dito sa The Buzz. Mula sa puso ko, maraming-maraming salamat and thank you for this wonderful journey.”

Nagpasalamat na rin si Toni noong Linggo. Ayon dito, “Ako naman, kasi, hindi ako naniniwala sa goodbyes. I believe, that goodbyes doesn’t really mean that the end or tapos na ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“It’s just simply means na yung pamamaalam po namin sa hapon na ito ay I’ll see you again. I will miss all of you.”

Nagpasalamat din si Toni sa Talk TV family na pinangungunahan ni Lui Andrada. Sabi pa niya, “Maraming-maramimng salamat din kay Tito Boy, the most generous person na nakilala ko sa industriyang ito. Na hindi po nagsasawang ibahagi sa amin ang nalalaman niya sa industriya and yung wisdom niya.

“I learned so much from him.


“Kay Ate Charlene rin, I told her this, last week pa. I will always look up to you as a mom and as a wife. Sana kapag naging asawa at nanay na rin ako, parang si Ate Charlene. I have so much respect for the both of you and to share the stage with you every Sunday, it’s such an honor.

“At sa lahat po ng Kapamilya natin na hinayaan kaming tumuloy sa inyong tahanan sa oras ng hapon, maraming-maraming salamat po sa mga interviews na pinanood niyo. Maraming-maraming salamat po dahil tinanggap niyo po kami kung sinuman kami.

“Hinayaan niyo pong ilaan sa amin ang napaka-precious niyong time para panoorin kami rito sa The Buzz. Mamimiss ko po ang hapong ito and thank you very much for this opportunity na napasaya namin kayo.”

Sabi rin ni Toni, yung tatlong taon daw nilang pagiging co-host ng The Buzz ni Charlene ay parang kahapon lang.

“Parang ang bilis pala ng three years, ‘no? Lalo na yung sa ‘yo, Tito Boy, fifteen years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN