Janice de Belen says Buzz ng Bayan will have audience component

(L-R) Carmina Villarroel, Boy Abunda, and Janice de Belen are the new hosts of ABS-CBN's showbiz talk show Buzz ng Bayan.


Nagsalita na si Janice de Belen kaugnay sa nakatakda niyang pagpasok sa reformatted The Buzz, kasama ang co-host na si Carmina Villarroel sa defunct show na Showbiz Inside Report.

Noong October 13, nagpost ang ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe kanyang Twitter account ng: “New show. New hosts. BUZZ NG BAYAN with Boy Abunda, Carmina Villarroel, and Janice de Belen. October 20.”


Sa ulat ng ABS-CBN News noong October 15, aminado si Janice na pressured siya na makatrabaho ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda.

Kuwento niya, “I will be lying if I say hindi [ako pressured]. Pressured ako because first, kasama ko si Tito Boy. Pangalawa, you’re only as good as your last job so kailangan galingan mo kasi alam mong mayroon ng ine-expect sa 'yo. You have to be better than what they saw before.”

Ito ang unang pagkakataon na makatrabaho ni Janice si Boy, ang katapat niyang host dati noong siya ay host pa ng S-Files ng GMA Network. Looking forward si Janice sa mga discussion nila ng award-winning TV host.

Dagdag pa niya, “Excited and nervous ako. Nai-interview ako ni Tito Boy so parang in a way nakakatrabaho mo na rin siya pero ito kasi magbabatuhan kayo ng opinion so siyempre may nerbiyos factor. Ayaw mong magkamali.”

“Ibang-iba [yung show]. If I’m not mistaken parang never pa ako nakakita ng showbiz talk show na may audience na nagpa-participate at may panel na may specific topic na pinag-uusapan. Never ko pa siya nakita sa showbiz talk shows.”

Magiging venue din daw niya ang show upang ihayag ang kanyang mga opinion sa mga isyu o sitwasyong may kinalaman sa entertainment industry.

Aniya, “I think after everything that has happened in my life, I’m braver in terms of opinion kasi kapag bata ka hindi ka pa puwede maging brave kasi feeling mo wala ka pang enough experience or wala ka pa talagang pinagdaanan for you to be able to say anything. Pero ngayon, hitik na hitik ako sa opinion and sa experience. Siguro naman may tama akong masasabi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa tanong kung kinabahan ba siya na baka may mga taong hindi umaayon sa kanyang atake sa mga isyu, sagot nito, “That’s why it’s an opinion. It’s a different from a tira. It’s your personal thoughts on the issue. I’ve always been very open about the things that I believe in or yung things na nakikita ko kasi maingat naman ako. I’m not out to bash or hurt anybody. Ang opinion ko sa sitwasyon, hindi sa mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN