Kris Bernal considers it more difficult to shoot comedy scenes compared to dramatic scenes

Prinsesa ng Buhay Ko stars (L-R) Renz Fernandez, Kris Bernal, and Aljur Abrenica. Kris says she has a similar trait with her character: “Kapag kinikilig ako, parang gaya nga no’ng character ko bilang si Princess na…itinatago ko rin!”



Bida sina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa romance-comedy early primetime series ng GMA Network na Prinsesa ng Buhay Ko kunsaankasama nila si Renz Fernandez bilang ka-love triangle.


“Masaya ako sa mainit na pagtanggap ng mga tao,” masiglang pahayag ni Kris nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, October 13.


“Kumbaga, malaking bagay na sa akin ‘yong nararamdaman ko ‘yong suporta nila sa akin. Kahit sa Instagram at Twitter account ko.


“Nagti-trending kami everyday. Tapos ‘yong mga sinasabi nila tungkol sa akin at kahit sa mga co-actors ko.


“Magaganda ‘yong sinasabi nila sa acting namin. ‘Yong improvement sa acting namin at saka ‘yong sa pagiging komedyante ko, gano’n.


“So…talagang thankful ako dahil maganda ‘yong kinalabasan nitong Prinsesa ng Buhay Ko.”


Mas madali ba para kay Kris na ganitong light romance-comedy ang tema ng palabas?


“Actually, mas mahirap sa akin ang comedy,” nangiting pag-amin ni Kris. ‘Sa totoo lang!


“Hindi ko alam kung papano ko siya ihihirit. O iba-balance. Alam mo ‘yon? Kung paano ko ibabato ‘yong linya. Kapag iyakan kasi, nasanay na ako, e.


“Naninibago nga ako dahil halos lahat talaga ng eksena ko, siguro ang iniiiyak ko lang, mga dalawang eksena lang o tatlo.


“Nagugulat na lang ako na…o, eto lang pala ang eksenang iiyak ako! Dahil karamihan ay nagpapatawa o cute lang dapat.”


Kahit sinasabi niyang mas hirap siyang mag-comedy, napaka-natural naman na lumalabas ‘yong mga eksenang nagpapatawa siya.


“Buti naman,” sabay ngiti ulit ni Kris.


“Pero siyempre. Ang laking tulong din kasi ni Direk Dondon Santos. Kumbaga, lahat ‘yon, pini-feed niya talaga sa akin.


“So kung wala si Direk, hindi ko magagawa iyon. Hindi naman kasi ako marunong um-adlib, e.


“Sa totoo lang!” tawa pa niya.


In real life, kwela at bubbly naman siya, di ba? At ‘yong karakter niya bilang si Princess sa Prinsesa ng Buhay Ko, parang malapit naman sa totoong Kris Bernal.


“Oo. Bubbly naman ako.


“Pero kasi, ‘yong pagpapa-cute ni Princess, kasi medyo may pagka-childish pa siya, e. Na…bata attitude, e.


“’Yong medyo minsan nagiging bata siya. Kapag natutuwa o nai-excite siya.
“Siyempre ako naman, parang tapos na ako sa stage na ‘yon.”


Pero ‘yong manner kung paano siya pakiligin ng guy o manliligaw, gano’n siya sa totoong buhay din, di ba?


“Ay, oo naman!


“Kapag kinikilig ako, parang gaya nga no’ng character ko bilang si Princess na…itinatago ko rin!” tawa na naman niya.



ON CARL GUEVARA. Sa ngayon, si Carl Guevara pa rin ba ang nagpapakilig sa kanya? O lumipas na ba ang kanyang kilig sa aktor dahil busy na naman siya sa trabaho?


“Hindi naman. A…kinikilig pa rin naman ako kay Carl, siyempre.


“Pero… mas kinikilig ako sa trabaho!” napabungisngis si Kris.


Ang status ng samahan nila ni Carl, nananatili bang special pa rin?


“Oo. Wala namang nagbago.


“Nagkikita pa rin kami. Tapos lumalabas pa rin kami kapag may time.


“Pero since napaka-tight kasi ng schedule ng Prinsesa ng Buhay Ko, halos more than 24 hours akong nagta-trabaho, e. So na-limit lang.


“Pero ‘yong relationship, ando’n pa rin.”


Para kay Kris, ang trabaho pa rin niya ang laging una sa priorities niya.


“Siyempre bago ang lahat, trabaho muna, di ba? Sabi ko nga, kailangang intindihin nila… ng lahat…ni Carl. Kasi, hindi madali ‘yong pinagdaanan ko para maabot ito.


“Kumbaga, dream ko ito no’ng batang-bata pa ako. Hindi lang siya basta dream na inisip ko…balewala na lang. Talagang pinaghirapan ko.”


Si Renz Fernandez, gumaganap bilang karibal ni Aljur kay Kris sa Prinsesa ng Buhay Ko. Marami ang nagsasabi na bagay din bilang magka-loveteam sina Kris at Renz. Ano ang reaksiyon niya dito?


“Alam mo, natutuwa ako. Hindi ko ini-expect," ani Kris.


“Sa totoo lang, ‘pag bagong love team, lagi akong nangangapa. Lagi akong naaalangan.


“Kasi hindi ako sanay. Siyempre.


“Pero natutuwa ako kasi may fans club na kami. Talagang may ginawa na silang KrEnz [Kris-Renz] love team sa aming dalawa.


“At least do’n ko naramdaman din na…'Uy, puwede pa rin pala ako magka-spark sa ibang love team o sa ibang guy!'


“Para hindi ako naiipit lang kay Aljur. Para naman maraming bago sa akin.”


Ang nanay ni Renz na si Lorna Tolentino, sinasabing natutuwa rin daw sa nabuong loveteam nila.


“Oo. And…kasi kinakabahan talaga ako kay Ms. LT!


“Sabi nga sa akin ni Renz…naku, araw-araw pinapanood ni Mama ang Prinsesa ng Buhay Ko kapag may time siya.


“Ako naman…my God, may mga nasasabi ba siya sa akin?” tawa na naman ni Kris.


“Diyos ko… kinakabahan talaga ako!


“Siyempre, hindi lang si Renz ang tinitingnan niya. Kami lagi ni Renz ang magkaeksena.


“Pero natutuwa ako kay Ms. LT. Nakita ko nga siya kanina dahil isa nga siya sa judges para sa production numbers ng iba’t ibang grupo dito sa Sunday All Stars.


“Binabati niya kami. Gano’n. Tapos natutuwa daw siya sa akin. Kinikilig daw siya sa amin ni Renz.”


Dahil may kilig nang hatid ang tandem din ni Renz, hindi kaya ang maging ending ay may ma-develop ding kilig sa kanilang dalawa sa totohanan na?


“Uhm… hindi, e. Trabaho muna! Hahaha!


“Kung si Carl nga, medyo nawawalan ako ng oras. Hindi ko na kayang mag-entertain [ng ibang manliligaw]."


So… si Carl pa rin talaga? “Oo. Si Carl pa rin.”


Bakit ba nananatiling si Carl pa rin?


“Siguro ang pinaka-importanteng katangian niya na nagustuhan ko talaga… ‘yong pagiging understanding niya. Sobra!


“Oo. Kasi hindi lang sa trabaho. ‘Yong pag-iintindi rin niya sa family ko. Gano’n.


“Basta’yong pagiging malambing niya. At saka ‘yong respeto sa akin, sa pamilya ko, at sa mga desisyon ko.”


Naibalita rin ni Kris na magi-guest siya sa concert ni Aljur Abrenica na Come And Get Me na gaganapin on November 7 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.


“Isa ‘yan sa pinghahandaan ko ngayon," aniya.


“Sasayaw ako tapos may song number din ako with Aljur,” pagwawakas ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN