Gelli de Belen differentiates Face The People from Face to Face

Gelli de Belen (in photo) and Tintin Bersola-Babao are the hosts of Face The People, which is the newest reality talk show of TV5.



Umeere na sa TV5 araw-araw tuwing 4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes ang Face The People kunsaan hosts sina Gelli de Belen at Tintin Bersola-Babao.


Malalaman ang opinyon ng "taumbayan" sa pamamagitan ng Audience Response System (ARS) na gagawin before or after ng commercial breaks. Pati ang mga manonood sa telebisyon ay maaaring makasali sa diskusyon sa pamamagitan ng text messaging o social networking sites.


Gaano ito kakaiba sa Face To Face kunsaan dating host si Amy Perez?


“Unang-una sa lahat meron kaming botohan. Yung botohan dun yung ganun-ganun lang, tapos lalabas ang guest namin, ang premise is may problema siya, let’s say nangaliwa ang asawa ko, iiwan ko ba siya o hindi?


“Yes or no? So iyan ang problema niya so ang point natin, ang goal natin by the end of the episode, makapag-decide siya kung iiwan niya o hindi. Hindi yung katulad sa Face To Face, nambabae yung asawa ko, ilalabas yung babae, ilalabas yung asawa,” umpisang kuwento ni Gelli sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Face The People kamakailan sa Annabels’ restaurant sa Tomas Morato.


Kaya walang awayang pisikal, walang batuhan ng silya, walang violence ang kanilang show.


“Walang ganun. Iniiwasan namin iyon for this show. Tapos ang mangyayari for each gap meron kaming one hundred audience members, una muna ilalahad muna niya yung kuwento niya, paglahad niya ng kuwento niya siyempre magre-react yung audience, magre-react kami tapos at the end of that gap, boboto yung audience kung ‘Oo, iwan mo!’ or ‘No, huwag mong iwan!’


“Next pagbalik lalabas naman yung mga people involved; asawa niya, nanay niya, best friend niya, baka pati yung kerida, we don’t know, depende.


“Pero hindi sila magsasabungan kasi magkahiwalay sila ng location and area.
“Ngayon kapag nangyari iyon, at the end of that segment, ayun na naman boboto na naman, tingnan natin kung ano ang mas matimbang sa taumbayan.


“Kung gusto nila, e, iwan or not. Next segment comes in our life coaches, we have a lawyer, a spiritual healer, yung mga ganyan.


“May mga ganun depending on what the subject needs, our case study needs. Kung ano ang kailangan niya iyon yung kukunin namin for that episode. Tapos at the end of that siyempre merong mga prosesong gagawin, iba-ibang proseso ang ginagawa sa bawat problema, e.


“And at the end of the show, sasabihin namin, ‘O nakapagdesisyon ka na ba? Iiwan mo ba talaga o hindi?’


“Dun niya ibibigay yung sagot niya. Kung ano ang gusto niya bahala siya. It just goes to show actually, ang purpose nun is pinapakita dun sa namumrublema, dun sa case study dahil naguguluhan nga siya kung ano ba ang mas matimbang talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN