Maxene Magalona says playing a kontrabida role made her more irritable

Maxene Magalona played a kontrabida for the first time in Mga Basang Sisiw. How was the experience? “Na-enjoy pero, sumusungit ako, irritable. Ano siya, e, nake-carry mo yung character."



Sa kauna-unahang pagkakataon, pinayagan ni Maxene Magalona ang sarili na siya naman ang maging masama sa paningin ng mga manonood sa afternoon series na Mga Basang Sisiw ng GMA Network.

Kung pagbabasehan ang mataas na rating na nakukuha ng serye nila, ang mahabang pagkaka-ere at extension nito, sa mga puntong ito ay puwede nang sabihin na hindi nagkamali si Maxene sa desisyon niyang sumubok maging kontrabida.

Kahit si Maxene mismo, “samang-sama” na siya sa ugali ng karakter niya na si Vicky.

“Sobrang magiging sira-ulo na talaga siya. Kasi, sa start pa lang naman, medyo may sira na ang ulo ni Vicky.

“So, habang tumatagal, mas lalong maraming nangyari na. She keeps telling herself, akala niya, makakalusot siya sa lahat ng mga pinaggagawa niya.”

Ano ang gusto niyang ending para sa karakter niya?

“Gusto ko, oo, dapat nga, mas lalo pang masaktan itong si Vicky. I mean, maparusahan pa lalo kasi, mali naman talaga ang ginagawa niya.

“I know that she’s fighting for her love. But if I’m doing this for real life, hindi ko rin gugustuhin na makalaya si Vicky or hindi siya maparusahan. This show, people watch them para may matutuhan tayong lesson.

“At saka, ayoko ng angle na yung kontrabida, biglang babait. Bihirang mangyari yun, e.”

Dugtong pa niya, “All throughout the show naman, wala siyang ginawang maganda.”

Aminado rin si Maxene na bilang artista, nadadala raw niya ang karakter niya.

“Oo, siyempre, actually, as an actress, ano talaga, nadadala mo dahil yung emotion mo, very on the surface.

“As an actor, you know, you’re sanay that your emotion is on the surface. That’s what you use when you’re acting: your emotion.

“So, in real life, mabilis din akong mainis. Very transparent talaga. So, yung mga kabaliwan ko, oo, alam na ng pamilya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-enjoy ba niya ang una niyang pagiging kontrabida?

“Na-enjoy pero, sumusungit ako, irritable. Ano siya, e, nake-carry mo yung character.

“Halimbawa, nagti-take, tapos, nagsisigaw ako sa eksena, then, nag-cut, parang technical difficulties, naiinis ako sa technical.

“Parang ako, bakit ganyan? Naiinis na ko. Hindi ako sanay. Naiirita ako. Pero, naiintindihan ko naman na this is just the character.

“At saka, nakakatakot yung nagiging ikaw na yung character. Lalo na yung show namin, ang tagal-tagal ng tumakbo. Lalo na kong naiinis.

“Yung kapag tiningnan ko ang bangs ko, naiinis na ko kay Vicky. Gusto ko nang pahabain itong buhok ko,” natatawa niyang sabi.

Sa susunod na serye niya sa GMA, gusto ba niyang kontrabida pa rin o balik muna siya sa inaapi?

“Well, depende. Basta sa akin talaga, basta maganda ang script, maganda ang character. If everything is okay, why not?”

Tuwang-tuwa naman si Maxene dahil sa haba ng itinagal ng serye nila na umabot na sila ng mahigit sa 20 episodes.

Nakangiti nga niyang sabi, “Ang saya-saya ko na ang haba-haba ng show namin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN