Battle of the Comedians: Ogie Alcasid and Michael V

Ogie Alcasid (left) as Ryan Secret in TV5's Tropa Mo Ko Unli and Michael V (right) in GMA's Bubble Gang. What can you say about the comedic styles of Ogie Alcasid and Michael V?



Matagal-tagal ding partners-in-crime sina Ogie Alcasid at Michael V sa long-running gag show sa GMA Network na Bubble Gang.

Ngunit kamakailan ay lumipat sa TV5 si Ogie, at siya naman ang naging lead comedian ng Tropa Mo Ko Unli.


Madaling naramdaman ang pagkawala ni Ogie sa Bubble Gang dahil na-reformat ang ilang segment, at nabigyan ng mas malalaking papel ang mga batang cast.


Bukod pa riyan ay naging iba ang kalidad ng jokes dito. Mas naging makabago ang mga jokes, at ang ilan ay naging intelektwal, kung saan kailangan pag-isipan pa para makuha ang punchline.





Dinala naman ni Ogie sa Tropa Mo Ko Unli ang style of comedy niya na pang-masa—mga birong pamilyar man ay nakatatawa pa rin. Si Ogie ang main host ng "Battle of the Brainless" segment na mapapanood sa naturang comedy show.





Hindi maiiwasang maikumpara ang dalawang komedyante, lalo na’t headliner sila ng kani-kanilang gag show.


Sino ang mas magaling sa dalawa?


Parehong mahigit 20 taon na ang dalawa sa industriya ng showbiz. Magkasing-haba rin ang listahan ng dalawa ng mga nagawa na nilang pelikula at palabas sa telebisyon.


May mga makapagsasabing nakauungos si Ogie dahil kilala siya bilang composer. Kaya lamang, magaling din si Michael V (na kilala rin bilang Bitoy) sa pagko-compose ng mga kanta—lalo na yung mga nakatatawa. Sino ang makalilimot sa '90s hit na "Sinaktan Mo Ang Puso Ko"?


May makapagsasabi ring mas makauungos si Michael V sa comedy dahil mas magaling siya sa impressions at pagbuo ng karakter. Isa sa mga pinakabago niyang characters ay si Donya Ina na madalas ay pinupuna ang madalas na gawain sa social networking sites at tinatanong ang anak sa bandang huli: "Paki explain nga" bago niya sabihan ito ng "Lab you!"



Michael V as Donya Ina

Ngunit sumikat din ang mga recent impressions ni Ogie, lalo na si Boy Pick Up na nagkaroon pa ng sariling movie. Ang isa sa mga ginagaya niya sa ngayon ay si Ryzza Mae Dizon, ang child TV host ng The Ryzza Mae Show. Si Ogie ay nagdadamit pambata at nagsusuot ng wig na may bangs para sa spoof na ang tawag ay "Laysa Mae Toyo Show."



Ogie Alcasid as Laysa Mae


Para sa inyo, sino ang mas magaling sa dalawang komedyante?


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN