Elmo Magalona chooses Culinary Arts over Sunday All Stars; Janine Gutierrez will be his leading lady in upcoming teleserye

Elmo Magalona (right) chose not to be part of Sunday All Stars so he can concentrate on studying Culinary Arts at the College of St. Benilde. He will be paired with Janine Gutierrez in GMA's remake of Villa Quintana.



Pinaghandaan na ni Elmo Magalona ang kanyang pagganap bilang si Isagani sa TV remake ng ‘90s drama series na Villa Quintana.

Si Elmo ang napiling gumanap sa role na originally ay ginampanan ni Keempee de Leon.

Inamin ni Elmo na malaking challenge sa kanya ang role na Isagani dahil wala raw ito sa nakasanayan niyang role since nagsimula siya sa pagiging artista.

“It’s way out of my comfort zone kaya mas lalo akong na-challenge.

“Si Isagani kasi, as told to me during the story conference, lumaking mahirap at nasanay siyang magtrabaho sa bukid.

“Kaya yung character niya very strong.

“Kumbaga astig siya at handang ipagtanggol ang sarili niya sa mga gustong umalipusta sa kanya at sa pamilya niya.

“Tapos nanalo pa nga si Kuya Keempee ng best actor award for this role kaya all the more kailangan mabigay ko ang kailangan ng role, ” kuwento ni Elmo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kamakailan.

Hindi lang daw ang kanyang acting ang kanyang iniintindi kundi pati ang kanyang buong pangangatawan ay dapat swak sa role na Isagani.

“Physically, kailangan maging prepared ako.

“Okay lang na magpaitim ako for the series. Ang puti ko raw kasi at mukhang hindi lumaki sa bukid at nagtatrabaho sa ilalim ng araw. So I will be getting a tan or kung idaan nila sa make-up it is okay with me.

“Pagdating naman sa katawan, I don’t know if I need to bulk up more or tama lang ang katawan ko.

“Kailangan daw kasi mukhang batak ang katawan ko kasi nagtatrabaho ako sa bukid.

“Sinabi nga sa akin ni Direk Gina [Alajar] na kailangan handa ang katawan ko kasi baka marami akong eksena na shirtless ako! So doon ako kailangan maghanda!” sabay tawa niya.

Sayang raw at wala raw pinapanood sa kanila na mga footages ng Villa Quintana dahil walang makuha kahit mga maliliit na eksena sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya yung character profile na lang ang pinag-aaralan namin.

“Mas gusto nga raw ni Direk Gina na fresh ang approach namin sa project kesa sa may pinanggagayahan kami.

“It’s okay naman sa amin kasi para bago lahat. But the story will still be the same pero updated na siya to fit the new generation of televiewers.”

Pinasasalamatan ni Elmo si Direk Maryo J. Delos Reyes dahil ito ang nag-recommend sa kanya para gumanap sa leading man role in Villa Quintana.

“Kay Direk Maryo kami nag-workshop for the teleserye and I’ve worked with him sa unang teleserye ko na Pilyang Kerubin.

“Natuwa naman ako when I learned that he recommended me for the role of Isagani. It means na may nakitang bago sa akin ni Direk Maryo kaya confident siya na kakayanin ko ang role.”

Si Janine Gutierrez ang gaganap sa role ni Donna Cruz bilang si Lynette Quintana at siya ang bagong ka-loveteam ni Elmo.

Nagkatrabaho na sila before sa teen series na Together Forever, pero magkapatid ang role nila doon.

“Kami naman ni Janine, we’re okay pero hindi kami naging masyadong close when we did Together Forever.

“May kanya-kanya kaming mga groups kasi noon. Kaya we never has that chance to really get to know one another.

“Ngayon lang kami nagkakakilala ng husto and we both want this team-up to work.

“During the workshop, nag-usap kami na gusto naming maging successful itong series.

“Six months kaming magkakasama kaya we have lots of time to get to know one another and make this teamup a success.”

Unang impression ni Elmo kay Janine ay mabait ito at mukhang madaling makatrabaho.

“I can see in her face na she’s always happy.

“Ang ganda ng smile niya parati. I can feel na maganda ang vibes naming dalawa.

“And sa mga naririnig ko naman about her attitude sa trabaho, lahat positive kaya walang magiging problema kasi ako naman, I want to work hard and be good at it.

“Sa tingin ko naman, magkakasundo kaming dalawa. Ngayon pa lang, I can feel na we have something great sa teleserye na ito,” ngiti pa ni Elmo.



ON JULIE ANNE SAN JOSE. Hindi naman daw worried si Elmo sa magiging reaction ng fans nila ni Julie Anne San Jose na JuliElmo. Alam naman daw ng mga ito na kailangan nilang maghiwalay para sa opportunity na makapagtrabaho with other actors.

Pero nilinaw ni Elmo na wala naman daw siyang tinanggihan na project nila ni Julie Anne.

“As far as I know, wala naman po akong tinanggihan na project with Julie Anne.

“Ang alam ko nga I was in the cast of this teleserye pero biglang iba na lang daw. Pinaparating na lang sa akin pero wala akong ni-reject.

“Matagal na kaming hindi nagkakasama ni Julie and why would I say no to a project with her?

“Siguro nagkakataon lang na mas bagay sa iba yung role kaya napupunta sa iba kesa sa akin. Gano’n lang naman talaga sa trabahong ito.”



ON SUNDAY ALL STARS. Tinanong din si Elmo kung bakit hindi siya kasama sa Sunday variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Sagot ni Elmo na gustuhin man daw niya ay mahihirapan daw siya sa schedule dahil sa kanyang school.

“I’m back in school kasi. I’m taking up Culinary Arts sa College of St. Benilde.

“Kung tatanggapin ko pa ang Sunday All Stars, baka maging problema lang nila ako when it comes to rehearsals kasi hindi siya tugma sa schedule ko with school.

“Kesa naman maging problema ako, I said na hindi muna ako sasama sa show. Puwede akong mag-guest naman.

“Gusto ko rin na maging priority ang school kasi ilang taon na ba ako? I’m already 19 years old at gusto ko namang makatapos ng college course.

“Kaya tama lang na I have one teleserye kasi that would take up a lot na rin for the whole week.

“I do miss performing at nakakainggit nga ang mga ginagawa nila sa Sunday All Stars. But I have to prioritize a few things now. Kaya school at ‘yung teleserye na ang kaya kong gawin for now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN