Ella Cruz not threatened by Julia Barretto; hopes to work with Enrique Gil

Ella Cruz's take on being pitted against other Kapamilya young stars: "Hindi naman maiiwasan ang competition. Pero hindi ko po tinitingan yun as a competition."


Siyam na buwan na nabakante sa trabaho ang dating Aryana lead star na si Ella Cruz.

Kaya ngayon pa lang ay excited na siyang magbalik-teleserye.

Kabilang siya sa powerhouse cast ng upcoming soap ng ABS-CBN na You’re My Home.

Ayon kay Ella, hindi siya nainip kahit na medyo natagalan ang paghihintay niya sa panibagong proyekto.

“Hindi naman. Alam kong pinaghahandaan nila yung next project ko," masayang bungad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Confident din siya na patuloy na aalagaan ng ABS-CBN ang kanyang showbiz career, sa kabila ng mga nagdadatingang bagong artista at ibang prime young stars ng network.

“Opo kasi napi-feel ko na kaya nila ako ni-launch sa Aryana noon kasi maalagaan nila ako.

Isa sa mga bini-build up ng ABS-CBN ngayon ay si Julia Barretto, ang lead star ng nalalapit na teleseryeng Mira Bella.

Halos magka-edad sina Julia, 16, at Ella, 17, na dating nagkatrabaho sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Nang tanungin si Ella kung na-threaten ba siya sa pagbabalik-telebisyon ni Julia, ang sinserong sagot nito: “Hindi naman po. Parang gano’n pa rin po.

“Hindi naman maiiwasan ang competition. Pero hindi ko po tinitingan yun as a competition.”

Ayon pa kay Ella, hindi siya nagmamadaling sumabak sa mature roles tulad ng ginagawa ng mga kasabayan niyang sina Julia Montes, 18, at Kathryn Bernardo, 17.

“Kaya ko rin naman po pero maraming nagsasabi sa akin na hindi po siya fit sa hitsura ko. Though yung age ko ka-age ko sila Kat [palayaw ni Kathryn]. Dun muna tayo sa ka-age ko.

“Hindi pa ako pasok sa romantic na theme ng soap. Although hanggang ngayon meron pa rin po akong ka-love team.

“Ine-enjoy ko na mas mabagal. Mas masaya rin naman.”


Kwento pa ni Ella, madalas pa rin niyang makasama ang dating leading men na sina Francis Magundayao at Paul Salas, kahit na matagal nang nagtapos ang Aryana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron pa rin po kaming communication. Nagkakasama po kami sa ASAP ni Francis. Kami naman ni Paul nagkakaroon kami ng mall show. Tapos minsan lumalabas-labas pa rin kami.”

Muling makakatrabaho ni Ella si Francis sa teleseryeng You’re My Home.

Ngunit kung bibigyan siya ng pagkakataon, inamin ni Ella na ang gusto niyang makapareha sa susunod ay ang Kapamilya heartthrob na si Enrique Gil, 21.

May gusto ba siya kay Enrique?

“Pwede rin po! Malay niyo naman,” natatawang saad ng batang aktres.

Ang iba pang makakatrabaho ni Ella sa You’re My Home ay sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Iza Calzado, Shaina Magdayao, Enchong Dee, at Cherry Pie Picache.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN