Mikael Daez all agog over first lead role in a primetime soap


Hindi raw inaasahan ni Mikael Daez na makakahabol pa siya at makakasama sa isang primetime series ngayong taon pagkatapos ng morning series nilang With A Smile.

Kabilang si Mikael sa tatlong leading men ni Kylie Padilla sa Adarna.

Ayon kay Mikael, “Nakahabol pa ako ng isang soap this year. Kasi, alam ko, medyo tagilid lagi kapag end of the year. Cut-off, e.

“Hindi ko naman inaasahan, pine-prepare ko ang sarili ko, you know, bina-budget ko muna. Natuwa naman ako na nabigyan ako ng primetime series ngayon.

“Nadaanan ko ang gag show, yung morning, afternoon, tapos ngayon, itong primetime ulit.”

Paano kung may magsabi sa kanya na nakasama siya sa Adarna dahil package deal na sila ni Kylie para isa na lang ang manager nila?

“Well, kagaya ng sinabi ko, lahat naman ng mga intrigang tanong na ganyan, hindi mo naman maiiwasan. Pero sa akin, hindi ko iniisip yun.

"Ang kailangan kong isipin talaga, yung trabaho ko. Kasi, regardless of what happened, yung ipapakita ko sa serye, yun ang papansinin ng tao, yun ang papansinin ng GMA executives, director ko po, so, kailangan talaga, doon ko gagalingan.

“Hindi naman sa intriga ko dapat galingan—sa project mismo.


"Kailangang paghirapan ko, ang daming harness. Maraming eksenang gagamit ng harness, hindi pa ko gumagamit ng harness. For sure, ang dami naming fight scenes. May green screen ‘yan. Fantaserye nga siya.

“So, at least, ang dami naming dapat matutunan.”

Dugtong pa niya, “So, ako, ang first lead role ko sa primetime, I just want it to be a very good one.”

Naka-dalawang shows na siya sa primetime. Ang una niya ay sa Amaya at ikalawa, yung Beloved.

Pero, sa Adarna, tatlo raw silang leading men dito. Bukod kay Mikael, ang ibang leading men ay sina Benjamin Alves at si Geoff Eigenmann.

Ayon naman kay Mikael, “Well, it’s just like any other teleserye, hindi mo pa naman alam kung sino ang makakatuluyan. Ako, yung sa akin, go lang ng go. Magpakita lang na nagta-trabaho ng maayos. Ipakita lang sa GMA, viewers na okay mag-perform, okay na ko roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Darating at darating ‘yan kung ano ang darating.”

Pagkatapos niyang makapareha si Marian Rivera, nasundan ito ng loveteam nila ni Andrea Torres.

Ngayon ba, okay siya na si Kylie naman ang bago niyang love interest sa screen?

“Sana, kasi, personally, mas kumakapit ako sa mga taong may chemistry. Sana, mailabas namin ni Kylie yung chemistry naming dalawa.

“Wala pa kaming mga eksenang nagagawa together, e. So, hindi ko pa masabi. Sana, pagta-trabahuhin namin yun. We would like to give the viewers a good show and intense kasi si Kylie, yun ang gusto ko. Si YanYan [Marian Rivera], intense. Si Andrea [Torres], intense. Si Kylie, intense rin.

“So, maasahan ko na magtutulungan kami para mapaganda ang show.”

Ipinagmamalaki rin ni Mikael ang "Midnight Snack," ang food segment niya na napapanood sa late-night news broadcast ng GMA Network na Saksi.

Sabi ng model-turned-actor, “Experimental segment lang yun, napakaganda ng reception. It was supposed to be for one month. Pero ngayon, extended indefinitely.”

Nakaka-tatlong buwan na raw silang umeere.

Ang tanong at pinagtatakahan nga ng marami sa kanya, mabuti raw at hindi siya tumataba.

“Actually, pumayat ako. Kasi, hindi ako nakakapag-work-out. So, kapag hindi ako nakakapag-work-out, hindi nagagamit ng katawan ko yung pagkain. So, lumiliit ako.”

Para na raw niyang naging baby ang segment na "Midnight Snack."

Kuwento ni Mikael, “Tutok ako. Nagri-research na rin ako. Kasi, lima lang kami. Experiment lang talaga siya. Wala talaga siyang lugar na maging indefinite, well, nangyari, so, hayun… parang teleserye ang recall ng tao sa 'Midnight Snack.'

“Kapag tinatawag nila ko, 'Midnight Snack, Midnight Snack!'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN