Rocco Nacino says his nursing background helps him interact with patients in his new show, O.C. or Out of Control.

Rocco Nacino relates he and veteran actor Cesar Montano have become friends on the set of their teleserye, Akin Pa Rin Ang Bukas. He plays the role of Jerry, a user who victimizes the character played by Lovi Poe. “Nag-e-enjoy ako sa role ko. Mahirap, pero, fulfilling naman,” Rocco says.


Nag-e-enjoy si Rocco Nacino sa karakter na ginagampanan niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas. Manloloko ang role niya rito, kunsaan pinaiikot at pinapaniwala lang niya ang karakter ni Lovi Poe na mahal niya ito.


Pero, ang totoo, ang karakter talaga ni Charee Pineda ang talagang mahal niya.


Nakangiting sabi naman ni Rocco, “Pero, naawa na nga ako sa kanya [Lovi].


“But it’s good, it’s doing well. Madalas ngayon na napag-uusapan ng mga tao dahil sa character ko at dahil din kay Agatha. Sa pagka-salbahe ni Agatha, maraming naaawa kay Lovi. Nag-e-enjoy ako.


“Nag-e-enjoy ako sa role ko. Mahirap, pero, fulfilling naman.”


Bilang si Jerry sa Akin Pa Rin Ang Bukas, may nakikita ba si Rocco na pagkakahawig ng karakter niya sa kung sino siya?


“Si Jerry? Wala naman. Siguro yung pagkakulit. Pero, yung someone who will take advantage of another person, hindi ako ganoong klase ng tao. Kaya nag-e-enjoy akong paglaruan ang character, kasi nga, hindi ako yun.


“Out of my comfort zone yun,” saad niya.


Sinigurado rin daw ni Rocco na bilang isang actor, hindi siya makaramdam ng pagka-intimidate sa ibang senior stars sa serye nila tulad kay Cesar Montano.


Ayon kay Rocco, “Trabaho yun ng isang actor.


“If you see someone na alam mo na he’s there, dapat lang na tanggalin yung ego na yun or yung kaba para makapagtrabaho ng maayos. So, yun ang ginagawa ko.


“Naging magkaibigan na rin kami.


“Nagyayaya siyang mag-basketball. Nagyaya siyang mag-dinner sa restaurant niya, so, ice-breaker na rin yun.”


Dugtong pa na kuwento ni Rocco, “Actually, yung isang DVD ko na The Great Raid, pinapirmahan ko sa kanya. Kasi, napanood ko siya r'on, ang galing niya r'on.


“Mamaya, marami kaming eksenang magkasama and it’s always nice to have a scene with him.”


May mga natutunan na rin ba siya rito bilang isang actor?


“Pinapanood ko siya kung paano siya magbigkas ng salita. Kung paano siya towards Lovi. I make sure na iba ako, iba si Jerry sa kanya. Lots of observation.”


Isa na sa pinaka-busy na Kapuso actor si Rocco ngayon.


Aniya, “I’m doing Akin Pa Rin Ang Bukas, Sunday All Stars, Pedro Calungsod [his movie for the Metro Manila Film Festival]. Tapos, I’m hosting this new show. Ipapalabas sa GMA bago ang Wish Ko Lang, yun ang alam ko.


Sa kuwento ni Rocco, ang bago niyang show, as indicated by its title O.C., Out of Control, will feature people with obsessive-compulsive disorders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Mariz Umali ang magkasama,” dagdag pa niya.


Bilang isang nurse talaga sa tunay na buhay, tingin daw ni Rocco, nagagamit niya ang pagiging nurse niya sa bago niyang show.


“Nagagamit ko ang technique to break the barriers with the patients, napapa-kuwento ko sila.”


Sa taping, nagagamit din ba niya ang pagiging nurse?


“None,” nakangiti niyang sabi.


“Pag-set-up sa taping, doon ko lang nagagamit. Doon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN