Sunshine Dizon reprises role of Chanda Romero in remake of Villa Quintana


Sa upcoming remake ng GMA drama series na Villa Quintana, si Sunshine Dizon ang gaganap bilang Lumeng Samonte. Magiging anak niya sa naturang teleserye si Elmo Magalona (bilang si Isagani Samonte).

Hindi naman raw bago kay Sunshine na magkaroon ng anak na binata sa isang project.

“Di ba, yung Mundo Mo’y Akin, ganun din? Tsaka way, way back yung Bakekang.

“I’ve known Elmo naman for quite sometime, he’s very nice,” sinabi ni Sunshine sa presscon ng Villa Quintana nitong Biyernes, October 25, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang asawa ni Sunshine sa Villa Quintana ay si Raymart Santiago na gaganap naman bilang Felix Samonte.

Nakasama na rin daw niya si Raymart dati pa.

“Baka nung Kool Ka Lang days, bagets pa ako,” sabay tawa ni Sunshine. “Ngayon lang yung medyo may edad na ako.”

Bidang babae naman sa Villa Quintana at kapareha ni Elmo ang newbie Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Sa original na Villa Quintana series, si Chanda Romero ang gumaganap sa papel ni Sunshine ngayon. Napanood ba ni Sunshine ang original teleserye?

“Actually hindi masyado pero bits and pieces.”

Challenge ba sa kanya na si Miss Chanda ang dating si Lumeng Samonte? Kilala bilang isang mahusay na aktres si Chanda.

“Oo naman, kasi kahit naman sabihin nating remake it’s always new naman, e, di ba? Tsaka parang, you know, you just stick to the character, kung ano’ng hinihingi.. and offer something new, di ba? Para hindi naman magsasawa yung audience mo.

“So it’s always a challenge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN