Chinoy Star Ka Na winner to get digital album from Star Records


Para sa ikatlong anibersaryo ng Chinoy TV sa NET 25 Channel ay magkakaroon ito ng isang reality show na pinamagatang Chinoy Star Ka Na. Mapapanood ito ngayong December 2013. Gagawin ang reality TV show na ito upang magkaroon ng camaraderie sa Chinese at Filipino communities. Layunin rin nito na makadiskubre ng panibagong Filipino-Chinese star sa larangan ng entertainment industry tulad nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, Richard Yap at marami pang iba.

Ang veteran composer na si Vehnee Saturno ay isa sa mga judges ng naturang reality TV show. Si Mr. Saturno ay isa rin sa mga tao na magbibigay ng training para sa mga mapipiling finalists. Bukod pa dito, ang mga finalists ay kukuha rin ng workshops sa Confucius Institute sa Ateneo de Manila University.


Ang kompetisyon na ito ay open sa lahat ng Chinoys at Non-Chinoys na may edad na 16-25 para sa male category at 14-23 years old para naman sa female category. Kailangan ay nakakakanta ang aspiring contestants ng Mandarin, English at Tagalog songs. Ang auditions ay gaganapin simula 1 p.m. sa Lucky Chinatown Mall ngayong Linggo, November 10, 2013. Pipili ng Top 25 mula sa mga mag-a-audition, then pipili ng 10 para kumuha ng singing and Mandarin lessons at personality development workshops. Pagkatapos nila ng training, pipiliin ang Top 5 finalists na makakasali sa grand finals na gaganapin sa Chinese New Year’s Day mismo (January 31, 2014). Mapapanood sa Chinoy TV (NET 25 Channel) ang pilot episode ng reality TV show na Chinoy Star Ka Na sa December 1, 2013.

Para sa mga nais mag register, bisitahin ang website ng Chinoy TV (www.chinoy.tv) at Facebook fanpage (www.facebook.com/chinoytvofficial)


Matapos ang October 25 presscon na ginanap sa Ramada Manila, Binondo, nakausap ng PEP.ph si Mr. Vehnee Saturno tungkol sa bagong reality TV show na ito.

Please tell us something about Chinoy Star Ka Na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Vehnee: “Inilapit sa akin ng Chinoy TV ang proyekto then nakita kong okay naman. Ako rin kasi dreaming of something na makapag-develop tayo ng isang Chinoy na pwede nating ipadala abroad. Kasi ang market naman, madali na sa ‘tin ang communication…ang pag-promote ng artist internationally, who knows, di ba? Baka itong Chinoy Star Ka Na ay makacreate na tayo isang star na pwede nating ipagmalaki sa ibang bansa. Kasi sa totoo lang pag hindi ka nagsasalita ng Chinese, it is very hard to penetrate the Chinese market, which is yung Mandarin, yun yung Tagalog nila, sabi ko kailangan maka produce tayo ng artist na nakakapagsalita ng Chinese at the same time kayang kumanta ng Chinese songs. Marami nga tayo rito sa showbiz na half Chinese na nakapasok tulad nina Kim Chiu, Xian Lim, Richard Yap, etc. Ganun yung idea natin.”


Ano ang mga mapapanalunan ng grand champion sa Chinoy Star Ka Na?


Vehnee: “Meron silang trophy, certificate, mayroong cash prizes plus guaranteed na yung winner ay magkakaroon ng digital album sa tulong ng Star Records. Saka yung mananalo dito, sigurado na na gagawan ko ng isang song para sa kanya. Plano din na gawan yun ng music video.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN