Kapamilya, Kapatid, and Kapuso networks busy with Yolanda rescue and relief operations

Naging aktibo ang tatlong pinakamalalaking TV networks ng bansa—ang ABS-CBN, GMA, at TV5—sa mga social networking sites upang ibahagi ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda.


Abala ang tatlong malalaking TV Networks ng bansa—ang ABS-CBN, GMA Network, at TV5—sa paghahatid ng tulong at impormasyon ukol sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Biyernes, November 8, nang manalasa ang Category 5 typhoon sa silangang bahagi ng Pilipinas, kung saan pinaka-naapektuhan ang mga probinsya ng Leyte, Samar, at Cebu.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naitatala ang kabuuang pinsala ng bagyo dahil naapektuhan ang mga linya ng komunikasyon, kasama na ang cellphone at Internet.

Kaya naman, walang humpay ang pag-anunsiyo ng updates ng mga local television networks sa pamamagitan ng Facebook at iba pang social networking sites.

ABS-CBN. Biyernes nang mag-post ng panawagan ang Kapamilya network sa pamamagitan ng Instagram:

Ang mga sumusunod naman ay Facebook posts kung saan nakalagay ang mga importanteng hotlines, drop-off points, at account numbers para sa mga donasyon:

"Tuloy tuloy ang ating pagbabayanihan mga Kapamilya.

"Narito ang ABS-CBN Sagip Kapamilya Hotlines na maaari mong tawagan for rescue, relief and donations for Typhoon Yolanda victims: 411.0015, 411.0182, 411.0183 & 411.0184 #YolandaPH"

Nanawagan din ang mga shows at artista na tulungan ang mga kababayan natin.

Heto ang sunud-sunod na posts ng ABS-CBN:

"Mag tulong tulong po tayo mga Kapamilya! We can help our fellow Kapamilyas in any way we can.



"Again, here are the Sagip Kapamilya Telethon Hotlines and more details for Sagip Kapamilya Donations. #YolandaPH"


"Gary Valenciano singing a very moving song for ASAP Chill Out's opening!

"Join ASAP CHILL OUT as we dedicate our episode today for all the victims of #YolandaPH .

"We reach out to all of you to pledge. Malayo po ang mararating nito!"

GMA. Narito naman ang mga posts ng GMA Network mula rin sa kanilang official Facebook page.

Ang kanilang mensahe: "Muli po kaming kumakatok sa inyong puso sa ngalan ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda.


"Bukas na po ang OPERATION BAYANIHAN Telethon Hotline number 9811950 para tumanggap ng PLEDGES at DONATIONS mula 7:30 am hanggang 10pm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"TAX-DEDUCTIBLE po ang inyong donations. Maari rin pong tumawag sa Kapuso Foundation hotlines 928-9351 o 928-4299.

"Para sa karagdagang impormasyon LOG ON to www.gmanetwork.com/kapusofoundation.


"Maraming salamat po at ating ipagdasal ang pagbangon ng mga kababayan nating biktima ng pinakamatinding bagyo sa buong mundo."

Narito naman ang iba pang mensahe ng pakikiramay at pakikiisa, mga importanteng numero, at mga updates tungkol sa bagyo:

Para sa mga may kamag-anak sa mga probinsyang nasalanta ng bagyo na hindi tiyak ang kalagayan, maaaring i-report ang kanilang pangalan sa Missing Persons Database ng GMA News Online.

Itinakda ng GMA bilang cover photo ng kanilang Facebook account ang mga importanteng numero at hashtags upang mas madali itong makita.

TV5. Ongoing din ang Kapatid telethon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Heto ang text message na ipinaabot ng istasyon: "The TV5 Tulong Kapatid for Yolanda victims will air live starting 9pm tonight.

"60 Kapatid stars and OPM artists will be manning over 30 phone lines to receive pledges and donations."

Tuluy-tuloy din ang pag-post ng news updates at mga links kung paano makakatulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Facebook page ng TV5.

Tubig at pagkain, tulad ng canned goods, bigas, at cup noodles, ang ilan sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN