Jennylyn Mercado plays a character with split personality disorder in Rhodora X



Sa susunod na linggo, magsisimula na ang taping ng bagong teleserye ni Jennylyn Mercado sa GMA Network na pinamagatang Rhodora X.

Ang ibang working titles ng proyekto na ito ay Miss X at Madame X.

Makakasamang muli ni Jennylyn ang dating kasintahan at love team partner na si Mark Herras.

Ang huling teleseryeng pinagsamahan ng dalawa ay ang 2009 teleserye na Ikaw Sana.

Nagbiro pa ang aktres dahil parang sumasakto ang titulo ng kanyang teleserye sa current status ng lovelife niya: ang pagiging ex o ex-girlfriend ni Luis Manzano.

Paglilinaw niya, “Actually, matagal na ito, kami pa ni Luis. The original title was I think, Madame X na parang meron na kaya hindi nila ginamit. Kaya pinalitan na lang nila ng title.”

Miss X ang title ng pelikula ni Cristine Reyes sa Viva Films.

(Read: Cristine Reyes topbills sequel of Vilma Santos's sex-drama, Miss X)


Ano ang karakter ni Jennylyn sa Rhodora X?

“Yung character ko may split personality siya. Habang tumatagal yung story baka madagdagan pa ng isa pang character yung character niya. Pero meron siya talagang sakit sa utak.

“Kakaiba siya talaga. Usually, yung ginagawa ko sa mga soaps, drama, api-apihan. Pero eto naman, iba naman.

“Nag-session pa ako with the psychiatrist. Ganon ka-kumplikado yung character.

"Kasi mamaya maiuwi ko yung character sa bahay, masama naman yun. Baka matuluyan ako.

“Pero kapag baliw ako, makulit lang ako hindi ako yung sira-ulo talaga. Madaldal lang, maingay, makulit.”

Bukod sa pagbibida sa teleserye, abala rin si Jennylyn sa upcoming cooking show niya at pagbuo ng bagong album.

"Meron akong ginagawang cooking show, Sarap with the Family, with CDO naman 'yan.

“Then may bago akong album with GMA Records. Gagawin na namin yung single this month.

"Magkakaroon kami ng contract signing muna.

“Ako yung kakanta ng theme song ng Rhodora X.”

Balik GMA Records raw si Jennylyn matapos niyang gumawa ng album sa Viva Records at Polyeast Records.

Excited ang Kapuso actress sa pagbabalik niya sa recording lalo’t isang taon na ang nakakalipas sa pinakahuling album na ginawa niya titled Forever By Your Side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN