Julie Anne San Jose-Kristoffer Martin teleserye, Kahit Nasaan Ka Man, slated to end this Friday

Kahit Nasaan Ka Man, starring Julie Anne San Jose and Kristoffer Martin, will conclude after airing on GMA-7 for 8 weeks.



PRESS STATEMENT FROM GMA-7, published as is:


Ngayong Biyernes (Nobyembre 15), masasaksihan na ang pagtatapos ng musical-drama series na Kahit Nasaan Ka Man.

Hanggang sa huli ay hindi pa rin mag-kaayos sina Theresa (Eula Valdez), Delia (Rita Avila), at Ernest (Michael De Mesa). Dahil sa kaguluhang nagaganap ay naghiwalay na sina Pauline (Julie Anne San Jose) at Leandro (Kristoffer Martin).

Sa pagitan ng mag-inang Delia at Leandro, magkaroon na kaya sila ng pagkakataong makapag-usap? Patawarin na kaya ni Leandro ang inang minsang nang-iwan sa kanya?

Samantala, may pag-asa pa kayang magkasundo sina Ernest at Theresa o mas mangingibabaw pa rin sa kanila ang galit at poot para sa isa’t isa?

Hindi rin dapat palampasin ang kahahantungan ng pag-iibigan nina Pauline at Leandro.

Abangan ang mga kasagutan ngayong Biyernes sa Kahit Nasaan Ka Man pagkatapos ng Genesis sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN