Gabby Eigenmann portrays life of gay hairstylist in Magpakailanman episode

Gagampanan ni Gabby Eigenmann ang papel ng dating hairstylist na si Art Evangelista, na naging hairstylist ng mga artistang gaya nina Ruffa Gutierrez at Donita Rose. Na-comatose siya matapos bugbugin ng isang lalaki, hanggang sa bawian ng buhay noong February 2013.


Gagampanan ni Gabby Eigenmann ang buhay ng hairstylist na si Art Evangelista sa episode ng GMA Network drama anthology na Magpakailanman.

Ipapalabas ang episode na ito ngayong gabi, November 16.

Si Art ay nakilala sa mundo ng showbiz dahil siya ang naging hairstylist ng ilang sikat na artista.

Nagsimula siya bilang isa sa mga hairstylists ni Fanny Serrano, hanggang sa magkaroon siya ng sarili niyang beauty salon.

Ngunit nabugbog siya ng isang lalaki at, dahil dito, ay na-comatose.

Bagamat nagising siya at naka-recover, binawian din siya ng buhay noong February 2013 sa hindi pa rin malinaw na kadahilanan.



GAY ROLE. Kadalasan ay kontrabida ang ginagampanang karakter ni Gabby sa mga teleserye.

Kadalasan din ay siya ang nambubugbog sa mga bidang karakter, ngunit sa episode na ito ng Magpakailanman ay siya ang bubugbugin.

Nakangiting sabi ng aktor, "Oo nga, e, sanay ako na ako ang nanggugulpi. Ngayon, ako ang ginugulpi."

Ito rin ang unang pagkakataon, sa matagal na panahon, na gaganap ng gay role si Gabby.

Kuwento niya, “I’ll be honest, the night before taping, tinext ko na lahat ng puwede kong i-text, like Andoy Ranay. Siya kasi ang director.

"Tapos, nag-try akong mag-research.

"Kasi, it’s been a while since I last portrayed a gay character, tapos ito e true-to-life pa.

“So, medyo hindi ko alam.

"It’s a bit challenging kasi medyo matagal din akong hindi nakapag-taping.”



HAIRSTYLIST TO THE STARS. Kuwento pa ni Gabby, “Well, itong kuwento ng buhay niya, ito nga ang rise to fame niya.

"He came to a point na noong kasikatan niya was early '90s.

"From what we researched, meron siyang tinututukan. Naging stylist of the stars siya.

“Make-up artist ng mga artista, like si Donita Rose, Ruffa Gutierrez, Tita Annabelle Rama... mostly mga taga-That’s Entertainment.

"Naisipan nilang gawan ang story niya, because it came to a point na dumating sa buhay niya ang karumal-dumal na karanasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-tripan siya ng isang lalaki. Ginulpi siya hanggang sa ma-comatose siya.”

Kilala raw ng ilang kamag-anak ni Gabby si Art.

Kuwento niya, “Eto nga, nag-post ako sa Instagram.

"Sabi ko, 'Abangan, Magpakailanman, The Art Evangelista Story.'

"Tapos, nag-comment si Tita Gina [Alajar], 'What a story, he’s a personal friend of mine.'

"Tapos, si Tito Mike [Michael de Mesa], ganun din.

“Si Daddy [Mark Gil], hindi ko pa nakakausap, but I’m sure kilala niya yun.

"Kasi, doon siya nagpapagupit kay Tita Fanny dati.”



GABBY'S "BOYFRIEND." Ang gaganap na boyfriend ni Gabby sa episode na ito ng Magpakailanman ay si Kevin Santos.

Naging patok sa mga manonood ang pagganap ni Kevin bilang gay best friend ni Dennis Trillo sa hit primetime series na My Husband's Lover.

Malaki ang pagkakaiba ng pagganap niya ngayon bilang boyfriend naman ni Gabby.

Kumusta ang "chemistry" nila ni Kevin?

Sagot ni Gabby, “Okay naman.

"Siyempre sa amin, trabaho lang. Wala namang ilangan.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Alam mo na ‘to,' gumanun na lang ako.

“Tapos minsan, humihingi ako ng pointers.

"Kaya sabi ko, 'Napag-aralan mo talaga, ‘no?' Kasi nga, doon sa My Husband’s Lover.

"Pero, sabi nga niya, matagal na raw niyang nagagawa ang mga bading na roles.

"Ito lang [My Husband's Lover] ang full-length na bading talaga siya. Hindi guesting-guesting.

“'Ang hirap, ‘no?' Gumanun ako.”

Mas hirap siya sa gay role?

Sagot ni Gabby, “So far kasi, wala naman akong ginagawa ngayon. Kaya naka-focus ako rito sa Magpakailanman na character.

"It was challenging, pero wala namang transition.

"Unlike yung ginagawa ko noon, di ba, na nagsunud-sunod ako ng shows—from Munting Heredera na kontrabida to Broken Vow na mabait.

"Yun ang pinaka-challenging kasi, yung shifting from two different characters.”



GABBY MISSES DOING SOAPS. Bagamat sinabi ni Gabby na matagal na siyang hindi nakakapag-taping, napag-alaman naming noong September lamang ang huling taping niya, para sa primetime series na Mundo Mo'y Akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanibago ba talaga siya nang sumabak muli sa taping?

Sagot niya, “Oo, kasi kahit isa o dalawang buwan pa lang ‘yan, nakakakalawang.

"Honest naman ako, may mga ganun kasi na if you're passionate with your work.

"Kapag sunud-sunod kang nagtatrabaho, gumagaling ka every time. Minamani mo na lang ‘yan.

“Pero kapag nakapagpahinga ka kahit tatlo, apat na linggo, may kaba pa rin.

"Lalo na ngayon na ginulat nila ako na gay...

"But like I’ve said, I’m always up for a challenge.”

Paano kung full-length gay role ang i-offer sa kanya?

Sagot niya, “Why not?

"I guess anyone would want that.

"It’s not in a sense na gusto nilang maano. It’s a job.

“Sa akin, hindi pa dumarating sa point na kailangan akong tumanggi sa trabaho. Trabaho ‘yan, e.”

Pero aminado si Gabby na gusto niyang gumanap muli ng kontrabida role.

"Kasi, sa Mundo Mo’y Akin, I was in the middle which, in reality, can also be, parang ganun na rin.

"Hindi ka kontrabida, kasi may tatay talagang ganun.

“Hindi naman sa nami-miss ko ang pagiging kontrabida—yung pagiging antagonist, yes.

"But like I’ve always said, drama would always be, for me, where the craft is.

"Gusto kong umiyak, gusto kong magpaiyak. Yung ganun.

“Heavy drama, yun talaga ang gustong-gusto ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN