Geoff Eigenmann admits he intially felt awkward working with Adarna leading lady Kylie Padilla

“No workshop, straight to taping kaagad,” recalled Geoff Eigenmann about his working relationship with Adarna leading lady Kylie Padilla.



Nakapag-storycon na raw ang Adarna nang malaman ni Geoff Eigenmann na kasama pala siya rito bilang leading man ni Kylie Padilla.

Unang beses naman nilang magkasama at maging magkapareha ni Kylie sa isang proyekto.

Ayon kay Geoff, medyo akward daw sa umpisa.

“May chemistry namin although at first, medyo akward kasi, noong magkakilala kami, hindi kami nagkakausap-usap and we go to the same gym actually. Doon pa lang, medyo nagkikita na kami at nagkakausap na kami ron.

“No workshop, straight to taping kaagad.”

Dugtong pa niya, “Nandoon naman, so far, with the scene that we’ve been watching, sa AVP naman, nandoon. I guess, we have something kaya kami pinair. I guess, management sees something with the both of us kaya kami pinagsama.”

Masaya ba siya na Adarna ang ibinigay sa kanyang proyekto sa pagbabalik niya?

“Yeah, definitely,” saad niya.

“It’s a good project, year-ender from GMA. So, it was either this or something else. I don’t mind. Actually, I’m happy to be back working again.”

May nagsasabi naman na parang inspired daw sa dating fantaserye ng GMA na Mulawin ang Adarna.

Sagot naman ni Geoff dito, “Well, dahil lang may pakpak, Mulawin na? But ano naman, tanggalin mo nga lang ang unang A, Darna na ‘yan, e.”

Natatawang sabi pa niya, “Ganoon naman lagi ‘yan. Hindi naman talaga maiiwasan ang comparison with past shows and all that because that’s what people know.

"Sana lang, with this one, bumukas ang mata nila, especially the younger generation about the story of Ibong Adarna.

“Ako, grade school pa lang ako, alam ko na ang Ibong Adarna.

“So, sana, yung mga bata rin ngayon, mapag-aralan nila sa school. They can compare, so, yun. It’s a different take on a classic, a Filipino folklore.

"So, maganda rin siya talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN